^

PSN Opinyon

Walang utang na loob ang pamangkin

IKAW ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Unang bahagi)

SA ilalim ng Art. 562 ng Civil Code, maaaring payagan at pansamantalang patirahin ng may-ari ng lupa ang ibang tao kapalit ng obligasyon na pangalagaan ito. Sa ganitong kasunduan, ang pagmamay-ari pa rin ang may karapatan kung paano ipamimigay o ipapamahala sa iba ang lupa. Ang ganitong kasunduan ay tinatawag na “Usufruct” sa Ingles. May mga kondisyon na ipinapataw ang may-ari sa tinatawag na “usufructuary” na pinagkatiwalaan niya ng lupa. Kung lalabag sa kasunduan ay ano ba ng remedy? Sasagutin ito sa kaso ni Medy.

Noong bata pa si Medy ay nagtuturo siya sa iba’t ibang eskuwelahan sa iba’t ibang siyudad. Pinalad pa siya na makapag-aral sa Amerika kung saan din siya nagturo. Matapos ang pitong taong pag-aaral doon ay nagtrabaho naman siya sa unibersidad sa sumunod na 17 taon.

Noong panahong iyon ay nagbabalik si Medy sa Pilipinas para magbakasyon sa sariling bayan. Doon siya tumitira sa bahay ng pamangkin na si Perla na anak ng kapatid niyang si Flora. Pagbalik niya sa Amerika ay nalaman ni Medy na pinasok ng mga rebelde ang bahay ni Perla at maraming babae’t lalaking naging biktima sa pagitan ng laban ng mga sundalo at rebelde. Nagpadala siya ng pera sa kapatid na si Celia para makabili ito ng lupa kung saan puwedeng patirahin si Perla.

Nang makabili ng lupa sa isang subdivision sa siyudad si Medy ay ipinaalam niya sa mga kamag-anak ang pagpayag niya sa pagtira nila sa lupa. Gumawa siya ng kasulatan na pinapayagan ang pamangkin na si Perla pati asawa nito na si Dado at kanilang mga anak na tumira sa kanyang lupa kasama ng iba pa nilang kaanak.

(Itutuloy)

vuukle comment

CIVIL CODE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with