^

PSN Opinyon

Sr. Supt. Dionisio Bartolome naghahanap ng tong kolektor

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MATINDI ang nalaman ko mula sa Rizal Province. May gusto raw palayasin na police official na sumisira sa imahe­ ng Philippine National Police. Sa halip kasi na supi­lin ang pamamayagpag ng mga ilegalista ay mukhang may kutsabahan para magkapera. Kung matuwid ang layunin ng PNP sa Rizal dapat walisin ang mga ilegalista nang ma­putol na ang pananamantala ng mga tong kolektor na gumagasgas sa reputasyon ng PNP.

Nalaman ko na naghahanap daw ngayon si Rizal Provincial Police Director Sr. Supt. Dionisio Bartolome ng bagong tong kolektor sa mga ilegalista sa Rizal. Kailangan daw na ang kolektor ay makakolekta ng P700,000 kada linggo. Saan kukunin ng kolektor ang ganoong halaga? Kaya pala ganun na lang ang panlilisik ng mata ng bagman ni Bartolome na si Manda nang makausap si Toto sa barracks dahil isang linggo na lang ang kanyang operasyon ay hindi pinayagan dahil kailangan daw na mabigay ng goodwill kay Bartolome dahil sa walang pera.

Teka, sabi hindi kailangan ni Bartolome ang pera dahil mayaman na raw sya. Pero bakit naghahanap ng kolektor na kayang mangolekta ng P700,000 kada linggo. Para sa inyong kaalaman bago pa lang dumating si Manda na bagman ni Bartolome ay naging kolektor din si Toto ng ilang nagdaang mga police director sa Rizal, di ba Sr. Insp. Baylon. Kuwento ni Toto, hirap nga makalikom ng P150,000 kada linggo ‘yun pang P700,000. Saan nila ito kukunin? Doblehin o triplehin ang tara.

Si Bartolome ay naging R2 noong panahon ni PRO4-A General Meneses kung saan isa sa dati niyang tauhan ay naghahanap ng kolektor na kayang itaas sa P700,000. Subalit ang nakausap ay tumanggi dahil saan niya ito kukunin. Ang tanong kaya ba ng tambalang Manda at Merno na itaas ang koleksyon sa Rizal? Kung magkaganun ay posibleng magsilipatan ang mga kapitalista sa Laguna, Quezon, Batangas Cavite at Bulacan. Sabi nga ni Toto noong siya ang kolektor ay pinatawag niya ang mga kapitalista at nagpulong sila akala nga raw nila taasan sila ng tara pero kabaliktaran ang ginawa niya dahil binabaan ang payola dahil ang katwiran ay para maakit ang ibang financier na umakyat sa Rizal.

Tama nga naman siya. Kaya nang binabaan nya ang intelihensya, nakapanghikayat siya ng taga-Bulacan na maglatag sa Rizal. Pero sa ngayon baka aalis na ng Rizal kung hindi mapalitan ang bagman na si Manda na kung tawagin ng mga kapitalista ay “Sakmal”. Kumusta kaya sina Boy Badjao, Rey at Damian na operator ng VK na nagkalat sa Teresa, Taytay, Tanay, Morong at Pililla. Si Jonie kaya sa Cainta, kumusta na ang kanilang operasyon ng VK hindi kaya umangal kay Manda.

DIONISIO BARTOLOME

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with