^

PSN Opinyon

Kakaibang regalo

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NAGALIT ang nanay nang mapansing ginamit ng 5-taong gulang na anak na babae ang buong rolyo ng mamahaling Christmas wrapper na kulay ginto. Kapos sila sa pera. Binulyawan ng nanay ang bata sa pag-aksaya ng wrapper. Pinang-decorate lang sa maliit nilang Christmas tree. Para sana sa espesyal na tao lang ‘yon—sa amo na malimit magpalabada sa kanya o kaya sa kapit­bahay na madalas niyang utangan ang sari-sari store. “Sige,” sigaw niya, “wala kang hapunan ngayong gabi.”

Ganunpaman, kinaumagahan iniabot ng bata sa nanay ang kahon ng regalo na binalot niya sa gintong wrapper. “Para sa iyo po ito, Nanay.”

Napahiya ang nanay sa pagpakita ng inis. Pero muli siyang nagalit nang, sa pagbukas ng kahon, wala itong laman. Binulyawang muli ang bata: “Ano ka ba naman? Hindi mo pa ba alam na kung magreregalo ka, dapat may laman ang ibinalot mo?”

Namuo ang luha sa gilid ng mata ng bata. “Nanay, may laman naman po ito. Nag-blow ako ng mga halik, ma­ra­ming-marami, hanggang mapuno ang kahon.”

Nanikip ang dibdib ng nanay. Napaluhod siya at niyapos ang batang maintindihin sa pagpaabot ng pagma­mahal. “Pasensiya ka na, anak, masyado akong nagiging­ mainitin ang ulo. Mahal na mahal kita.”

Di naglaon, nagka-malubhang sakit ang bata, at bina­wian ito ng buhay. Laking lumbay ng nanay. Habambuhay tinatabi niya sa pagtulog ang kahong nababalot ng gintong wrapper. Tuwing nagkakaproblema siya nang matindi at nasisiraan ng loob sa hirap ng buhay, binu­buksan niya ang kahon at kumukuha ng isang halik habang ninanam­nam ang pagmamahal na nilagay ng bata sa loob.

Kung tutuusin, bawat isa sa ating nilalang ng Diyos ay binigyan ng kahong nababalot sa ginto at puno ng wa­lang pag-imbot na pagmamahal at halik ng kapamilya, kaibigan at, siyempre, ng Tagapaglikha. Wala na sigurong hihigit pang pag-aari natin kundi ito. (Unang nilathala noong 2003)

CHRISTMAS WRAPPER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with