^

PSN Opinyon

Saklolo sa mga coconut farmers

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAMOMROBLEMA ang may 3.5 magsasaka ng niyog. Nagkabaun-baon na sila sa utang dahil sa patuloy na pagbagsak ng presyo ng copra. Yung iba, tinatamad nang mag-ani. Bakit ka nga naman magpapakapagod kung wala ka namang pakinabang sa pinagpapawisan mo? Dapat agapan ng pamahalaan ang suliranin dahil malaking sector ng lipunan ang apektado.

Wika nga, dapat umandar ang utak ng mga “think-tanks” ng pamahalaan sa paghanap ng solusyon sa problemang ito.

May panukala si Ilocos Norte Governor Imee Marcos. Isang three-pronged rescue package para masaklolohan ang ating mga naghihirap na magsasaka. Dumalaw kamakailan ang gobernadora sa mga copra-producing pro­vinces sa Eastern Visayas at Caraga Region at kinausap ang mga magsasaka para malaman ang ugat ng kani­lang problema. Nalaman na ang dahilan ng pagbagsak ng presyo ay over-supply ng copra sa pandaigdigang mer­kado. Ang masaklap pa, anang gobernadora, nangyayari ang pagbagsak ng presyo sa kasagsagan ng anihan.

Kaya ang panukala ni Marcos ay magbigay ng credit ang pamahalaan sa mga apektadong magsasaka sa industriya ng niyog na sinabi mismo ni Agriculture Secretary Piñol na “halos naghihingalo na.”

Kahit si Presidente Duterte ay nag-atas sa Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines na bumuo ng programa para tumulong sa mga small borrowers, kasama ang mga magsasaka. At bakit nga hindi?

May P75 billion coco-levy fund ang maaaring ga­miting ayuda sa mga coco farmers. Isa pang dapat pag­tuunan ng pansin ay ang pagsugpo sa mga copra smugglers, dagdag niya. Kilalanin at idemanda ang mga smugglers na ito na pumapatay sa ating mga magsasaka.

At heto ang magandang ideya na ipinapanukala ni Marcos, ang pagdaragdag sa langis ng niyog sa ginagamit na biodiesel na itinatadhana nang batas ay dapat maisulong para naman magkaroon ng magandang presyuhan sa copra.

COCONUT FARMERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with