Binawi ang pamasko
(Unang bahagi)
TUWING Pasko, may mga kompanyang kusang nagbibigay ng bonus sa kanilang mga empleyado bilang pasasalamat at mabigyan sila ng mas masayang pagdiriwang. Tipikal ito lalo sa ating mga Pilipino na mas maagang nagsasaya sa kapaskuhan. Pero dahil nga kusang loob na binibigay ng amo ang bonus, puwede kaya na basta na lang din bawiin o ihinto ito lalo at hindi naman masyadong maganda ang lagay ng negosyo ng kompanya? Puwede kaya na basta itigil ang bonus kahit napagkasunduan na ito sa CBA (collective bargaining agreement)? Sasagutin ito sa kaso.
Ang kasong ito ay tungkol sa LCI, isang kompanya sa Pilipinas na gumagawa, bumibili at nagbebenta ng mga tiles, marmol, mosaic at iba pang katulad na produkto. Isang Disyembre ay nagbigay sila ng ?3,000 sa bawat empleyadong miyembro ng unyon na LCEA.
Nang sumunod na taon, ilang buwan bago magpasko ay nagpirmahan sa isang CBA ang dalawang grupo para pormal na bigyan ng bonus o Christmas package ang mga empleyadong kasapi ng asosasyon ng mga empleyado na LCEA pati ang mga opisyal nila sa loob ng apat na taon. Tatlong taon na nagbigay ng bonus ang kompanya ng mga produktong may katumbas na halagang ?3,000. Sa pang-apat na taon ay pera na P600 lamang ang ibinigay ng LCI at inalok sila na umutang ng katumbas sa isang buwan na suweldo na babayaran sa loob ng isang taon.
Nagreklamo ang mga empleyado dahil sa paglabag sa CBA ng kompanya. Nagsumite sila ng notice of strike sa NCMB. (Itutuloy)
- Latest