Suntok sa buwan

BOKYA sa House Committee on Justice and impeachment complaint laban sa pitong mahistrado ng Korte Sureme na bumoto sa pagpapatalsik kay Ma. Lourdes Serreno bilang Punong Mahistrado sa pamamagitan ng co-warranto petition.

Sa simula pa lang ay suntok na sa buwan ang hakbang na ito ng mga opposition solons na kakampi ni Serreno. Ano ba naman ang aasahan mo? Ang pagsipa kay Serreno ay determinadong kagustuhan ng admi-nistrasyon at ang Mababang Kapulungan ay kakampi ng administrasyon.

Ngunit kahit suntok sa buwan, tama pa rin ang ginawa ng mga proponents ng impeachment. Ipinahayag lang nila ang kanilang paninindigan na mali ang pagsipa kay Serreno sa bisa ng co-warranto petition dahil siya ay isang impeachable official na puwede lang mapatalsik sa pamamagitan ng impeachment.

Insufficient in substance daw ang isinampang impeachment complaint nina Albay Rep. Edcel Lagman, Magdalo Rep. Gary Alejano at Ifugao Rep. Teddy Baguilat.

Batid nating lahat na political number game ang impeachment at palaging nagwawagi ang nakararaming bilang sabihin man na mali ang kanilang  prinsipyong pinaninindigan. Iyan ang mapait na katotohanang dapat nating tanggapin.

Itinakda sa Setyembre 18 ang paggawa ng committee report ng Justice Committe na isusumite sa plenaryo para pormal iulat ang pagkakabasura ng reklamo. Bago ang botohan, idinipensa ni Rep. Lagman na may sapat na lamang ang kanilang complaint habang kinontra ito ng limang kongresista kasama sina Angkla Rep. Jesulito Manalo, Cavite Rep. Strike Revilla, Misamis Oriental Rep. Henry Oaminal, Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin at Kabayan Rep.Ron Salo.

Show comments