SINUMANG maysakit, pilit hahanap ng lunas upang maibsan ang nararamdaman. ‘Yung iba idinadaan sa gamot at kung anu-anong therapy habang ‘yung ilan food supplement ang nagiging sandalan.
Mabisa at epektibo ang food supplement na King’s Herbal, ayon na rin sa mga nakasubok nito. Sa patuloy nitong pamamayagpag sa merkado, kinakasangkapan na rin ngayon ng mga dorobo ang produkto. Ibinebenta kung saan-saang lugar sa Maynila at probinsiya. Kung minsan makikita lang sa mga bangketa. Peligroso ang mga produktong ito. Bukod sa di malaman ang pinanggalingan, maghapon pang nakabilad sa araw. Kaya babala namin sa publiko, mag-ingat sa pagbili ng King’s Herbal kung saan-saan lang. Baka imbes na lunas, pasakit pa ang ihatid sa inyo.
Tulad ng mga popular na produkto na pinagsasamantalahan ng mga dorobo sa internet sa pamamagitan ng online selling, ang King’s Herbal ay sinusubukang pasukin na rin ng mga sindikato at sinasakyan ang popularidad nito.
Ayon sa manufacturer nito, ang REH Herbal Trading, hindi lehitimo at hindi otorisado ang mga nagbebenta sa loob ng mga mall, tiyangge sa Metro Manila at maging sa mga probinsiya. May mga nakakalusot na rin sa mga kilala at malalaking drugstore ng mga dorobo.
May mga malalaking drugstores sa bansa na rin ang natukoy na hindi otorisado sa pagbebenta ng King’s Herbal. Ilan sa mga ito ay ang The Generics Pharmacy (TGP), Watsons, Mercury Drugstore, Amisco Drugs sa Davao at marami pang iba. Posibleng hindi alam ng mga may-ari ng drugstores na sila ay nagamit na rin ng mga dorobo. Hindi rin rehistrado ang mga online shops tulad ng Lazada, Shopee, Carousell at OLX na magbenta ng produktong King’s Herbal.
Pinapayuhan ang publiko na bumili lamang sa mga lehitimo, rehistrado at otorisadong product center, distributor at dealer ng King’s Herbal.
Isa sa mga lehitimo, rehistrado at otorisadong magbenta ng King’s Herbal sa publiko ay ang DCMI Kings. Ang DCMI Product Center ay ang official marketing arm ng BITAG Multimedia Network (BMN) na kilala sa pangalang BITAG Media Unlimited Incorporated (BMUI) na rehistrado sa Securities and Exchange Commission (SEC).
Para makasiguro, bisitahin ang official website ng REH King’s Herbal na http://rehkingsherbal.com o di kaya naman ay direktang makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan na matatagpuan sa #603 R&J Building Quirino Highway, Bagbag, Novaliches, Quezon City.
Muli, nagpapaalala kami sa hiling na rin ng Chief Executive Officer ng REH Herbal Trading at herbalist na si Ka Rey Herrera. Hindi puwedeng mabastardo lang ng kung sino ang kanyang produkto lalo na’t kalusugan ng mga tao ang nakataya.