Ang Cebu Pacific, bow!
NAGSAGAWA ng full blown investigation ang pamunuan ng Cebu Pacific Airlines dahil sa umano’y baggage pilferage ng isang pasahero nilang sumakay sa Cebpac sa Hongkong para sa connecting flight going to Manila the other week.
Ang bebot na pasaherong hindi nabanggit ang name ay halos maglupasay sa NAIA ng dumating ito at malaman nawawala ang mga mahahalagang kagamitan niya sa bagahe.
Naku ha!
Ano ba ito?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, galing London ang bebot na pasahero sakay ng ibang eroplano nang dumating ito sa Hongkong International Airport at may connecting flight sa Cebu Pacific - 5J 113 papuntang Manila.
Ngalngal at galit ang nangyari sa bebot ng malaman niyang nawawala daw ang mga mahahalagang gamit sa bagahe tulad ng laptop at echetera.
Sa ginawang pagsisiyasat ng mga taga - Cebpac matapos nilang malaman na may reklamo ng baggage pilferage ay agad silang gumawa ng hakbang para malaman at mabigyan linaw ang pangyayaring ito.
Sinabi ni Charo Logarta Lagamon, tagapagsalita ng Cebpac, na nakikipag-ugnayan sila sa kanilang ground handler sa Hong Kong International Airport tungkol sa paghawak ng mga bagahe ng pasahero mula nang dumating ito sa Hong Kong.
Sabi ni Charo, pagkatapos mag-check-in para sa flight 5J 113 sa Hong Kong, ang bagahe ng pasahero ay inilagay sa loob ng isang Unit Load Device (ULD) o baggage container at na-secure sakay ng aircraft.
Sabi sa ulat, ang CCTV security footage ay nagpakita na ang ULD ay intact.
Idinetalya ni Charo, na ang CCTV footage ay nagpakita sa mga ground personnel sa ginawang paglo-load ng mga bagahe sa carousel ito aniya ay may lock pa rin sa lugar.
Kami ay nakikipag-ugnay sa pasahero at i-update namin siya kapag mas maraming detalye ang makukuha.
Inilabas ni Charo, yesterday, ang full and thorough investigation kabilang ang mga pagtatanong sa mga ground staff, viewing body cam and fixed CCTV footage at iba pa kaya nalaman nila na walang discrepancies o indication of tampering sa bagahe ng bebot na pasahero habang nasa pag-iingat ng Cebpac.
We are providing all information and footage to the authorities, and submitting a full report to the Manila International Airport Authority.
We thank the passenger for her patience as we investigated the incident and the appreciation she conveyed to our team for the support we provided her.’ paliwanag ni Lagamon.
Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang MIAA sa pangyayaring baggage pilferage dahil inaantay nila ang report na isusumite ng pamunuan ng Cebpac.
Sabi ni MIAA general manager Ed Monreal, nagulat siya sa pangyayari dahil hindi biro ang security monitoring meron ang NAIA sa lahat ng mga terminals nito.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naalis na sa NAIA ang bansag na ‘World most worst airport’ at nasama naman ito sa talaan ng top 10 ‘World most improved airport.’
Sabi nga, ito ang dapat pangalagaan na huwag masira ang NAIA sa madlang people!
Ano ang masasabi ninyo?
Mas mabuti pang palitan na ang pangalan ng NAIA at ibalik ito sa ‘Manila International Airport!’
Abangan.
- Latest