Buhay ng buhay ko, masdan ang luhang
sa pisngi ko’y umaagos, na idinidilig
sa bangkay ng aking nasawing pag-irog;
Ang buntunghiningang iyong naririnig
na putos ng lungkot ay daing ng pusong
Sa labi ng hukay ay nangingipuspos.
Buhay ng buhay ko yaring napagsapit
ay huwag iluha; Sa kasawian ko ang
lumigaya ka’y lalo ko pang nasa;
Sa kandungang lungkot na pinagpiitan
sa aking adhika kahit ka mamatay
maituturing na isang paglaya.
At ang pagsuyo mong ipagkakaloob
sa lalong mapalad, kung ikaw’y umibig
pang muli na siya kong hangad
At isipin tuwinang sa ubod ng puso
ay hindi susuga’t kundi bagkus pa ngang
ang iyong ligaya’y langit kong pangarap.
Kaya o buhay ko paalam na ako at sa kasawian
Ang iyong ligaya’y dadasalin sa aking paglisan;
Sa pinakaliblib ng aking libingan ang hiling ko
lamang kahit na saglit -- kaluluwa ko’y
ukulan ng dasal.