^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Karag-karag na bus bawalang pumasada

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Karag-karag na bus  bawalang pumasada

KUNG pinagbabawalan ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) ang mga luma o karag-karag na dyipni, dapat ganito rin ang gawin sa mga bulok na bus. Karamihan sa mga pampasaherong bus na biyaheng probinsiya ay luma at dispalinghado na ang preno. Kahit alam na ng mga drayber ng bus na bibigay na ang preno, pilit pa rin nilang ibinibiyahe sa malayong lugar. At ang resulta, malagim na aksidente.

Ganito ang nangyari sa Dimple Bus na nawalan umano ng preno at nahulog sa isang bangin sa Sab­layan, Occidental Mindoro noong Martes ng gabi. Patungong Maynila ang bus nang maganap ang trahedya na ikinamatay ng 19 na pasahero at ikinasugat ng 21. Kabilang sa mga namatay ang drayber ng bus at konduktor nito.

Marami nang kinasangkutang aksidente ang mga bus ng Dimple na ikinamatay ng mga pasahero. Noong Hulyo 26, 2011, nahulog ang isang Dimple Bus sa Skyway sa Parañaque na ikinamatay ng tatlong pasahero at ikinasugat nang maraming iba pa. Katwiran ng driver ng Dimple, malakas ang hangin kaya nagdayb ang minamanehong bus.

Noong Okt. 31, 2014, binangga ng Dimple Bus ang isang 10-wheeler truck sa Star Tollway sa Batangas na ikinamatay ng dalawa katao, kabilang ang konduktor nito. Ayon sa mga pasahero, tila may sakit ang drayber at wala sa kondisyon habang nagmamaneho.

Dahil sa trahedyang naganap noong Martes, sinuspinde na ng LTFRB ang 10 unit ng Dimple Bus. Ayon sa report, magsasagawa ng imbestigasyon ang LTFRB sa tunay na dahilan ng aksidente pero, luma­labas na nawalan talaga ng preno ang bus batay sa salaysay ng mga nakaligtas na pasahero. Mabilis umano ang takbo ng bus habang pababa sa nasabing lugar.

May pagkukulang ang LTFRB sa muling pagka­kasangkot ng Dimple sa aksidente. Kung noon pa ay agad na nagkaroon sila ng regular na pag-iinspek­siyon sa mga bus na biyaheng probinsiya, sana ay hindi nangyari ito. May kasalanan din ang LTO sapagkat nakapag-renew ng certificate of registration kahit na dispalinghado ang preno. Anong nangyari sa anila’y mahigpit na kautusan sa pampublikong bus na kailangan ay idadaan sa mabusising inspek­siyon. O baka mabusising “lagayan”.

Kung kailan nangyari na ang trahedya saka naghihigpit ang LTFRB at LTO. Kapwa sila ningas-kugon sa paghihigpit!

DYIPNI

LAND TRANSPORTATION

LAND TRANSPORTATION OFFICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with