^

PSN Opinyon

‘PAGCOR pumalag sa PAL’

CALVENTO FILES - Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

SA ISANG KASUNDUAN hindi maaaring ang isang panig lang ang makikinabang habang ang isa ay dehado. Lahat ng anggulo mong isaalang-alang bago ka pumirma sa isang dokumento.

Marami nang mga pasahero at nasulat na din sa iba’t-ibang website ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na kabilang sa ‘worst airport’.

Ilang iregularidad ang naibalita at inireklamo ng mga tao dahil hindi maganda ang kanilang serbisyo.

Kahit na sinong namamahala nito ay hindi magugustuhan ang ganitong balita dahil nangangahulugan lamang ito na hindi maganda ang pagpapatakbo mo ng nasabing paliparan.

May ilan nang konstrasksyon ang sinimulan ng NAIA para mas mapaganda ng kanilang serbisyo sa mga mamamayan at maging sa lahat ng mga pasahero.

Ang Presidente ng Philippine Airlines (PAL) na si Jaime Bautista ay nagpahayag ng kanilang mungkahi na magtayo ng extension terminal ang PAL na nagkakahalaga ng dalawampung bilyong piso para sa NAIA Centennial Terminal.

Ang sinasabing terminal ay matatagpuan sa Nayong Pilipino complex sa tabi ng Manila International Airport (MIA) Road sa Pasay City na naibenta ng Philippine Reclamation Authority (PRA) sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) nang ang parehong ahensya ay pumasok sa isang Contract to Sell ng labing limang ektaryang lupa na pag-aari noong ika-12 ng Mayo 2009.

Taong 2014  ang dating namamahala ng PAGCOR ay pinaupahan ang sampung ektarya ng labing limang ektaryang lupa sa PAL. Ang kontratang ito ay mapapaso sa Hulyo 11, 2033.

Ang PAL ay nagbabayad lamang ng kwarenta pesos bawat square meter. Nakasaad sa kontrata na rerentahan ng PAL ang nasabing lupa bilang aircraft parking ramp/apron facility.

Ipinagbabawal na magamit sa ibang bagay ang nirerentahang lugar kabilang na dito ang paggawa ng bagong terminal nang walang pahintulot mula sa PAGCOR.

Nagpahayag ng kagustuhan ang PAL na magtayo ng extension terminal sa nasabing lugar. Ang bagong namamahala ng PAGCOR ay tiningnan at sinuring mabuti ang kontrata sa pagitan ng PAGCOR at PAL.

Lumalabas na ang PAGCOR ay hindi pa ang ganap at nakare­histrong may-ari ng nasabing lupa.

Sa sitwasyong ito ang PACOR ay walang ganap na otoridad na may parentahan ang nasabing lugar. Ang PAL ay walang karapatan na rentahan o gamitin ang lupa sa kabila ng pinasukan nilang kontrata.

Ang nakaraang board ay tumanggap ng downpayment mula sa PAL na nagkakahalaga ng PHP21,000,000 ngunit kalaunan ay nakatanggap ng order mula sa PAGCOR’s treasury department na  huwag tanggapin ang nasabing kabayaran.

Mas binusisi ng kasalukuyang namamahala ng PAGCOR ang binabanggit na kontrata at lumalabas na ang kwarenta pesos per square meter na binabayad ay malaking kawalan sa gobyerno.

Ang pinakasinisiguro ng PAGCOR ngayon ay ang lahat ng kanilang mga pinapasukang kasunduan ay makakatulong sa gobyerno at maging kapaki-pakinabang.

Humihingi na ngayon ng opinyon ang PAGCOR mula sa Office of the Solicitor General upang maging malinaw ang isyung ito.

Pagdidiin ng PAL na may balidong lease contract na pinirmahan sa pagitan ng PAL at ng PAGCOR.

Ang kapangyarihang magparenta ng PAGCOR sa sinasabing sampung ektaryang lupa na matatagpuan sa dating Nayong Pilipino ay napakalinaw na nakalagay sa kontrata.

Dagdag pa ng PAL na noong ika-30 ng Hulyo 2014 ay nagpirmahan sila ng Contract of Lease ng PAGCOR at pinatotohanan nila na ang nasabing kontrata ay epektibo hanggang Hulyo 11, 2033.

Nagbayad ang PAL ng one month advance at security deposit na aabot sa Php24,000,000.

Nakasaad daw sa kontrata na ang PAGCOR ang may-ari nang nasabing pag-aari at maaaring magparenta.

Pagdidiin ng PAL ang kontrata sa pagitan ng PAL at PAGCOR ay legal at balido base sa mga tuntunin na napag-usapan nang parehong panig tatlong taon na ang nakakalipas.

Ang sinasabi daw ng PAGCOR na hindi sila ang nakarehistrong may-ari ng nasabing lugar ay hindi tumutugma sa nakasaad sa kanilang kontrata.

Ipagpalagay nang hindi pa sila ang nakarehistrong may-ari ng lupa maaari pa din silang magparenta dahil hawak nila ang nasabing area at may legal personality sila na isagawa ito.

Inaasahan ng PAL na rerespetuhin ng PAGCOR ang mga nakasaad na tuntunin sa pinirmahang kontrata.

Pinapayagan din ang PAL na gamitin bilang aircraft parking, ramp, apron facility at sa iba pang operasyon ang nasabing lugar basta may written consent galing sa PAGCOR.

Kinikilala naman ng PAL ang tungkulin ng PAGCOR at sa pagsulong nito sa kagustuhang makipagtulungan sa gobyerno sa pagtatayo, pagsasaayos at pagpapaganda ng paliparan sa bansa.

 “PAL has been doing its share to help decongest NAIA while stimulating air travel to the Philippines. PAL’s proposed PHP 20 Billion passenger terminal is in fact a testament to such commitment which will benefit the flying public, Philippine tourism and the national economy,” pahayag ni PAL President at COO Jaime Bautista.

Hindi naman din natin masisisi kung ang kasalukuyang namamahala sa PAGCOR ay nakakita ng bagay na sa tingin niya ay hindi kumikita o nalulugi ang kanilang korporasyon sa nasabing pagpaparenta.

Kasalukuyan silang humihingi ng legal na opinyon mula sa Solicitor General para maliwanagan at maayos nila ang isyung ito sa PAL at malaman na rin kung ano ang remedyong kinakailangan.

Kung sakaling ang PAGCOR ang may karapatan sa nasabing lupa nasa kanilang kamay din naman kung papayagan nila ang PAL na magsagawa ng konstraksyon o hindi.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

 

 

Hotlines: 09198972854

Tel. Nos.: 7103618

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with