^

PSN Opinyon

‘Sandali lang, inilagay sa tama’

CALVENTO FILES - Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

Hotline: 09198972854

Tel. No.: 7103618

SA HANAY NG PNP may sinusunod tayo na tinatawag na bawat baitang ang pagpanik. Hindi mo pwedeng basta lundagan ang isang Chief of Police na ang ranggo ng isang ‘urbanized city’ gaya ng Iloilo.

Maganda rin to para hindi nagkakaroon ng demoralization maliban na lamang sa kaso ni Ronald “Bato” dela Rosa kung saan personal siyang pinili ni Presidente Rodrigo Duterte bilang Chief PNP kahit marami siyang naunahang ibang nasa linya.

Dito papasok ang Presidential discretion dahil nagtitiwala siya sa taong ilalagay niya bakit siya mag eeksperimento sa iba?

Sigurado ako na si Chief Inspector Espenido ay darating din ang panahon niya at pagdating nito baka hindi lamang Chief of Police ng Iloilo o OIC ng Iloilo ang mararating ng rurok ng kanyang mga pinaghirapan.

Ang isang magaling na sundalo, pulis o anumang government official ay marunong sumunod sa hierarchy sa pwesto.

Pinapupurihan ko din si Presidente Duterte at pati na din si PNP Ronald “Bato” Dela Rosa.

Nakaabang na ang Iloilo sa pagtatalaga ni Presidente Rodrigo Duterte kay Chief Inspector Jovie Espenido bilang hepe ng Iloilo City Police.

Nagbanta na si Espenido kung saan siya madedestino na kung sinuman ang sangkot sa transaksyon ng iligal na droga kung gusto pa nilang humaba ang kanilang buhay.

Handa na ang taga Iloilo sa pagdating ni Espenido at marami na din ang naghihintay kung ano ang kakahinatnan ng Mayor nilang si Jed Mabilog dahil nakasama ito sa narco-list ni Presidente Duterte.

Bago pa man siya makarating sa Iloilo ay nagdeklara na ang PNP na hindi na matutuloy ang pagkakaassign sa kanya.

Walang gaanong detalye kung bakit napurnada ang pagkakadestino ni Espenido.

Ayon kay Chief Supt. Hawthorne Binag, ang Police Chief ng Western Visayas na nakatanggap sila ng order na nakansela ang paglilipat kay Espenido.

Nakatanggap din daw siya ng utos na lagay sa posisyon si Senior Supt. Henry Biñas.

Kamakailan ay napatay ang isa sa drug lord ng Western Visayas hindi nila alam kung may kinalaman sa kanselasyon.

Nilinaw din nila na ang National Headquarter ang nag-aassign ng tao kaya’t kahit na sino ang ilagay sa kanila at tatanggapin nila.

Nakilala si Espenido sa buong bansa nang mapatay ang dalawang Mayor sa ilalim ng kanyang pamumuno sa mga naturang lugar. Ito ay sina Albuera Mayor Rolando Espinosa at Ozamiz Mayor Reynaldo Parojinog.

Nung nakaraang Biyernes sinabi ni Espenido na ipagpapaliban niya muna ang pagpunta niya ng Iloilo dahil may kinakailangan pa siyang gawin sa Ozamiz.

Naroon daw si Ricardo “Ardot” Parojinog na pinaghahanap pa din ng pulisya dahil sa pagkakasangkot nito sa iligal na droga.

Unang araw ng Setyembre 2017 epektibo ang nasabing pagkakansela.

Marami sa mga Pilipino ang naghihintay kung anong magiging resulta ng dapat ay paglipat ni Espenido sa Iloilo dahil tinawag ito ni Presidente Duterte bilang ‘most shabulized’ province.

Nagkaroon na din ng background check sa Mayor ng Iloilo na si Mayor Mabilog na tulad nina Espinosa at Parojinog ay nasa listahan din ng Presidente bilang sangkot at protektor ng droga sa kanilang lugar.

Itinanggi naman ng Mayor ang lahat ng paratang sa kanya at sinabing nakahanda siyang buksan ang kanyang sarili sa imbestigasyon.

Marami ang nagtatanong kung ano nga ba ang dahilan kung bakit hindi na matutuloy ang paglipat ni Espenido sa Iloilo. Iniisip ng karamihan na makakatulong si Espenido para mabawasan ang problema ng probinsya tungkol sa iligal na droga.

Marami man ang bumabatikos sa paraan ng Presidente o nagi­ging resulta ng kampanya ng Presidente laban sa iligal na droga ay marami pa din ang sumusuporta dito.

Isa sa nasisilip na dahilan ay hindi daw kwalipikado si Espenido. Ang kasalukuyan niyang ranggo ay Chief Inspector na dalawang ranggo na mas mababa kaysa sa pagiging Senior Superintendent na dapat hawak ng isang opisyal para maging Police Chief ng Iloilo.

Nasa ilalim ng batas na kinakailangang may ranggong hawak na Senior Superintendent o Police Colonel para ka mailagay sa nasabing posisyon.

Humanga si Presidente Duterte sa ipinakitang trabaho ni Espenido bilang pagtugon nito sa kampanya ng administrasyon laban sa iligal na droga.

Ayon kay Superintendent Gilbert Gorero, spokesperson ng PRO-6 na ang pwede lang maging posisyon ni Espenido ay ang pagiging hepe ng mga istasyon ng pulis  sa ilalim ng Iloilo City Police Office o ng Iloilo  Police Provincial Office.

Hindi daw ito katulad ng sa Ozamiz City na isang component city lamang ng Misamis Occidental.

May mga residente daw na humihiling na manatili si Espenido bilang kanilang Police Chief.

Sa appointment letter ni Espenido ay nakalagay ay isa lamang siyang officer-in-charge.

Hindi mo basta pwedeng balewalain ang mga pamantayan at batas ng pulisya. Abangan na lang natin kung ano ang susunod na magiging trabaho ni Espenido kung saan siya ipapadala ni Presidente.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with