^

PSN Opinyon

‘Pumitik si Faeldon’

CALVENTO FILES - Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

HINAHAMON ko si Commissioner Nicanor Faeldon na pa­ngalan niya ang mga malalaking pangalan sa politika na sangkot sa korapsyon para naman makatulong siya sa kampanya ni Presidente Rodrigo Duterte laban sa korapsiyon.

Nagisa sa imbestigasyon si Faeldon nang maipuslit papasok ng bansa ang mahigit anim na bilyong pisong halaga ng iligal na droga.

May mga nabanggit na sangkot at umano’y tumatanggap ng pera para makadaan sa Customs ang mga kargamento. Nabanggit din ang Davao Group at pati ang pangalan ng anak ng Presidente ay nakaladkad dito.

Wala namang ebidensya ang nakalap na magtuturo na sangkot ang anak ng Presidente at maging ang testigo ay hindi naman matukoy kung talagang siya nga ang tinutukoy sa Customs.

Ngayon ang anak naman ni Senator Panfilo Lacson Sr. na si Panfilo “Pampi” Lacson Jr. ang inaakusahan ni Faeldon na nagpapasok ng smuggled cement sa bansa.

Tinawag pa ni Faeldon na ‘smuggler’ ang Senador. Hindi umano ito chismis at kathang isip tulad ng mga ibinibintang sa kanila.

Matatandaang si Lacson ang nagbunyag tungkol sa tinatanggap na “tara” ng taga Customs para maipasok sa bansa ang ilang mga smuggled goods sa bansa.

Dagdag pa ni Faeldon nagkaroon ng 67 shipments na umaabot ng ilang bilyong piso na smuggled cements ng kompanyang Bonjourno na pag-aari daw ni Pampi.

Bago pa lang siya sa pwesto nung mga panahong yun, halos dalawang linggo pa lang siya sa opisina at binigyan niya daw ang Senador ng ‘benefit of the doubt’ na matino si Lacson at baka hindi niya alam ang ginagawa ng kanyang anak.

Nitong mga nakaraang araw ay mukhang alam daw ni Lacson ang lahat ng nangyayari sa Customs kaya ipinagpapalagay niyang alam din nito ang tungkol sa mga smuggled cements.

Tinanong niya pa si Lacson kung siya ba ang pasimuno ng transaksyong ito.

Maanghang at matapang din ang naging mga pahayag ni Faeldon laban kay Lacson.

“Ano yan gusto mo ulit tumakbo na Presidente? Gusto mong magpasikat at the expense of our family? You want to destroy people like me ang and the names of the officers in my team? You know them, matitino sila e,” sabi ni Faeldon.

Mismong si Faeldon na ang nagsabi na bago pa lang siya sa opisina nang madiskubre nila ito.

Kung totoo nga ang binibintang niya sa anak ni Sen. Lacson bakit hindi niya kaagad ito kinwestiyon o hindi siya kaagad umaksyon?

Naireport daw ang tungkol sa shipment sa kanya noong Hulyo 12 at 13 pa pero kamakailan lang niya na-check kung sino ang nag mamay-ari nito.

Kung talagang ang kanyang gusto ay matigil ang korapsyon at ilang iregularidad sa ating bansa at ilang ahensya ng gobyerno dapat umalma na kaagad siya edi sana ay nahinto ito kaagad.

Madalas na itong mangyari sa ating bansa. Kapag may isyu na ipupukol sa isang politiko ilang araw lang ang kailangan mong abangan paniguradong may pang resbak sila sa mga politikong kumukwestyon sa kanila.

Dapat kung may nakikita na anomalya kung talagang kapakanan ng taumbayan ang inyong iniisip at magkaroon ng malinis na kalakaran sa bansa dapat wala na silang hinihintay.

Kaya hindi ka nakadalo sa pagdinig nung nakaraan dahil may iniinda kang sakit sa puso o ilang sakit pa yan.

Nung nandun ka naman wala kang ginawa kundi sumigaw nang sumigaw mabuti na lang at hindi ka inatake sa puso.

Ang tanong ko lang din kay Faeldon bakit ngayon mo lang pinupuntirya ang tungkol sa isyung yan?

Bakit hindi mo noon binulgar yan sa pagdinig sa Blue Ribbon Committee? Ano yan pag hindi ka ginalaw hindi ka kikibo?

Parang lumalabas ngayon na saka ka lang aalma kapag natapakan na ang paa mo.

Nagdala ng pera sa opisina mo at sinabing doon na magbabayad at sinabi mong walang kahera doon. Bakit hindi mo pinahuli kaagad? Bakit naghintay ka pang magisa ka sa ibang isyu bago ka umaksyon?

May mga sinasabi kayong may mga sangkot na malalaking pa­ngalan sa suhulang nangyayari at ilang iregularidad sa Customs, ang pinakamagaling diyan sabihin mo na ngayon para hindi lumalabas na para bang ginagamit mo itong alas.

Samantala nagbigay naman ng kanyang pahayag si Sen. Lacson. Ipinaliwanag niya na wala siyang kinalaman sa negosyo ng kanyang anak.

Siya pa daw ang unang kakastigo at magsasampa ng kaukulang kaso laban dito.

Itinanggi din ni Sen. Lacson na nasasangkot sa smuggling ang kanyang anak. Ayon pa sa kanya bakit niya ibubulgar ang anomaly sa Customs kung ang kanyang anak ay hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Ang pinakaakmang gawin niya kung sakaling totoo ang mga bintang sa kanyang anak ay wag nang magsagawa ng expose at manahimik na lamang.

Kung talaga daw may ginagawang mali ang kanyang anak ay dapat nagsampa ng kaukulang kaso si Faeldon laban sa kanyang anak.

Madali para sa isang tao ang mag-akusa at magbitiw ng ilang mga detalye pero kung talagang may basehan at dokumento ka aksyon agad. Nasa kapangyarihan ka at nasa balwarte mo yan kaya dapat ikaw ang manguna na sugpuin ang anomalya.

Sinabi naman ni Faeldon na magbibigay siya ng mga dokumento upang patunayan ang kanyang akusa. Sa huli babalik pa din sa kanya ang tanong bakit ngayon lang? Bakit ngayong lang na binabato ka ng madaming katanungan?

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with