^

PSN Opinyon

Terrorism threat deterrence act

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

TERORISMO, droga, corruption.

Iyan ngayon ang mga nangungunang problema hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Inter­national problem ito kaya huwag isiping “only in the Philippines” ito. Pero naniniwala ako na ang pinaka-nanay ng lahat ng problemang ito ay ang terorismo.

Kaya sa ating Kongreso ay may binubuong “terrorism deterrent act” na inendorso kay Presidente Duterte ng pangunahing umakda sa panukala na si Manila 1st district Rep. Manny Lopez para sertipikahan bilang “urgent.” Kapag may sertipikasyon ng Malacañang ang isang bill, walang pasubaling aapurahin ng Kongreso ang pagpapatibay nito.

Seryoso ang problema sa terorismo na ang pangunahing pinagkukunan ng pondo ay mga illegal na gawain tulad ng droga. At dahil sa sandamakmak na perang nagmumula sa ilegal na droga, pati mga opisyal ng pama­halaan, tulad ng sa Bureau of Customs ay nakikipagsabwatan na sa mga drug lords. Pati nga mga pulis ay natutukso diyan. Hindi kaya napagtatanto ng mga ito na sa pakikipagkutsaba nila sa mga drug lords, major players na rin sila sa paglala ng terorismo?

Sa harap ng banta ng terorismo mula sa international terrorist network ISIS, hiniling ng Kongresista sa Pangulo na sertipikahan bilang urgent ang house bill no. 5382 o terrorism threat deterrence act of 2017. Malaki nga ang maitutulong ng pagsasabatas ng panukala para mahad­langan ang paggamit ng internet o social media at prepaid mobilephone ng mga terorista para sa kanilang komunikasyon, propaganda at psy-war operation  laban sa tropa ng pamahalaan na ginawa nila sa Marawi”.

Nauna rito, ipinaalam kamakailan ng Pangulo sa ilang Senador sa pulong sa Mala­kan­­yang ang bago at seryosong banta  ng paghahasik ng kaguluhan sa Mindanao. Napaulat din na nangangailangan ang militar ng may 20 libong bagong mga  sundalo para palakasin ang puwersa nito kontra sa terorismo.

Hiniling din ng Solon na vice chair ng house committee on public order and safety  kay house speaker Pantaleon Alvares na ikunsidera ang pagpasa ng hakbangin sa Kamara kasunod ng mga bagong banta­ ng terorismo sa bansa.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with