KAKAIBA talaga ang lohika ng mga argumento ng Liberal Party lalo na sa isyu ng martial law at terorismo sa Marawi City.
Ayaw talagang magpaawat sa kanilang pagpapatawa gamit ang kanilang katangahan. Pabobo nang pabobo este pabibo nang pabibo makuha lamang ang atensiyon ng publiko.
Imbes na pag-isahin at pagsamahin ang kanilang mga argumento para patibayin at palakasin sa pagkakaroon ng iisang lohika eh ang problema nagkakaiba-iba, kanya-kanya nang satsat kaya sablay.
Eto ang bago nilang argumento sa pangunguna ni Cong. Edcel Lagman –the current situation of the crisis in Marawi was triggered by the military operation.
Anila, ang militar ang naging mitsa kaya’t naging malala ang sitwasyon sa Marawi na naging dahilan ng pagdedeklara ni Pres. Rodrigo Duterte ng martial law. Aba matindi ano?
Sinisisi nitong si Lagman ang pakikipaglaban ng militar sa Maute group kaya naudyok si President Digong na ideklara ang martial law sa buong Mindanao. Ang talino ng analysis?!
Ang resulta, kaya tinututulan ng mga dilawan ang batas-militar sa Mindanao ay dahil walang matinding basehan kundi kasalanan lamang ito ng ating militar.
Sabi pa ng mga henyo, hindi naman invasion o rebellion ang ginawa ng Maute sa Marawi kundi terorismo lamang, maliit na bagay lang ‘yan. Easy! O-B-O-B!
Anak ka ng…wala talaga akong masabi sa pambihirang lohikang ito kumbaga itinuturing niyong kathang-isip lamang ang kaguluhang nangyayari sa Mindanao lalo na sa Marawi.
Ganito na ba kalala talaga ang yellow epidemic? Nakakabuwang? Mantakin mong sisihin n’yo ‘yung mga taong nagbubuwis ng buhay sa gitna ng kaguluhan, susginoo!
Hindi na biro at hindi na rin katawa-tawa ang pinagsasabi ng mga kolokoy sa LP. Kung itinuturing n’yong maliit na bagay lamang ang terorismo – delikado ang kalagayan ng Pilipinas sa mga pulitikong tulad niyo.