^

PSN Opinyon

Di-kaaya-ayang sitwasyon

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Huling Bahagi)

LABINGWALONG araw makatapos maipanganak ang bata, nagkasakit si Mang Cesar at naospital. Ipinagtapat na ni Mang Cesar sa kanyang anak at asawa ang tungkol kay Lorraine at ang tulong na ibinibigay niya rito at sa bata. Nakipag-usap ang pamilya kay Lorraine at hiniling na ibigay na lang sa kanila ang pangangalaga ng bata. Hindi pumayag si Lorraine at pagkaraan ay hindi na nagpakita pa si Mang Cesar at di na nagbigay ng suportang pinansyal.

Nag-overdose sa droga si Lorraine at nagtangkang magpakamatay dahil sa depresyon. Napilitan siyang magsampa ng kaso laban kay Mang Cesar para sa suporta at danyos. Nagkaroon ng pag-uusap ngunit ang asawa lamang ni Mang Cesar ang dumalo kung saan nakatanggap si Lorraine ng masasakit na salita rito. Ikinaila ni Mang Cesar na siya ang ama ng bata at sinabing nakikipagrelasyon si Lorraine sa iba’t ibang lalaki. Sa katunayan, may anak na nga ito sa ibang lalaki bago sila nagkakilala. Tinutulungan daw lamang niya si Lorraine at ang anak nito dahil nagmakaawa sa kanya.

Sa pagdinig ng kaso, tumestigo si Lorraine at ang may-ari ng apartment na si Mang Cesar nga ang ama ng bata. Ipinakita ni Lorraine ang Birth at Baptismal certificate ng bata na nakasulat na si Mang Cesar ang ama bagama’t wala itong pirma niya. Ipinakita rin ni Lorraine ang mga lara­wan at sulat sa kanya ni Mang Cesar ngunit di nabanggit dito ang tungkol sa pagiging ama niya sa anak ni Lorraine.

Kinampihan ng mababang korte si Lorraine at inutos na magbigay si Cesar ng P2,000.00 kada buwan na suporta sa bata at P20,000.00 bilang bayad sa mga nagastos pagsampa ng kaso. Ito’y pinagtibay din ng Court of Appeals. Noong ito’y inapela sa Korte Suprema, namatay na si Mang Cesar. Ngunit ang desisyong ito ay di kinatigan ng Korte Suprema dahil ang mga ebidensyang isinumite at prinisenta tulad ng birth at baptismal certificate ay di sapat upang patunayan na si Mang Cesar nga ang ama ng bata lalo na’t wala itong pirma niya. Sinabi rin ng Korte na di sapat na ebidensiya ang mga larawan at ang mga bills na binayaran ni Cesar sa ospital dahil na rin sa kanyang awa at tulong para kay Lorraine at sa anak nito.

Ang hinihiling na pagkilala at pagbigay suporta sa isang bata ay maaring magdulot ng di-magandang sitwasyon sa parehong partido. Kinakailangang matibay ang ebidensyang ibinibigay sa mga ganitong kaso. Sa panahon natin ngayon, mayroon ng DNA evidence na madaling magpapatunay kung sino ang tunay na magulang ng isang batang ipinanganak (Salas vs. Matusalem, G.R. No. 180284, Sept. 11, 2013).

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with