Si Atty. Ariel Inton

BINUKO kaya naman nabulabog at parang mga dagang naghahanap ng papasukan lungga ang operasyon nang mga nagsabwatan fixers at kamoteng taga - LTO matapos ibulgar the other day ni dating QC councilor at ngayon ay Lawyers for Communters Safety and Protection founding President Atty. Ariel Inton ang diumano’y katarantaduhan at lagayan sa pagkuha ng drivers license sa LTO.

Ikinuento ni Inton, sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang modus operandi ng mga kamote na ginagawa sa isang medical clinic sa labas ng bakuran pa mismo ng LTO at LTFRB office dyan sa may Magalang St., Barangay Pinyahan, Kyusi, ito raw ay front at tambayan ng mga mga fixers at mga tiwaling tauhan ng LTO para doon ayusin ang mga papeles para makakuha ng non-professional at professional drivers license ang mga gustong magmaneho ng mga sasakyan sa Philippines my Philippines.

Sabi nga, basta may pera at kayang magbayad walang problema!

Ibinida ni Inton sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang nabukong operasyon ng mga sindikato kung paano nila binibigyan ng mga lisensiya ng mga sasakyan ang mga gustong kumuha ng mga ito kahit na non-apperance pa.

Ika nga, pera, pera lang ang usapan!

Ayon kay Ariel, P100 lamang ipinagbibili ang reviewer sa mga kukuha ng lisensiya at P6,000 naman ang para sa non-apperance application, P200 ang bayad sa medical certificate na isa sa mga requirement din sa pagkuha ng lisensiya.

Tirada ni Inton, dahil sa pangyayaring ito maraming mga drivers ang nabibigyan ng lisensiya basta may pambayad sila.

‘Kaya tuloy hindi nagkakapagtaka na dumarami ang mga mangmang sa pagmamaneho dahil sa mga ganitong sistema basta may pambayad lang sa mga tiwali presto na ang kanilang lisensiya kaya tuloy marami ang naaksidente at kung minsan ay namamatay pa.’ sabi ni Inton.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, madali lamang masungkit ang mga fixers at mga tiwaling taga - LTO basta manmanan lamang nila ang ikinuento ni Inton tiyak huli ang mga animal.

Abangan.

Barangay election tigil muna

HINDI sang-ayon si Boss Digong sa Barangay election ngayon taon dahil para sa kanyang dapat muna itong ipagpaliban at papalitan muna ang mga pinagdududahan naka-puesto sa ngayon.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naniniwala si Boss Digong na kapag ipinilit ang eleksyon ngayon taon tiyak ang mga nakapatong sa illegal drugs na mga barangay, patong sa mga illegal terminals, vendors at iba pa kailigalan ay malaking tiansa na manalo dahil sa perang ihahatag ng kanilang nang mga kakosang iligalista.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malamang magtalaga ng mga OIC si Boss Digong at iyong mga barangay officials na palaban sa mga iligalista ay mananatili sa kanilang puesto.

‘Kapos ang kolum ng Chief Kuwago.’

Abangan. Enriqueta M Raagas

NAKIKIRAMAY ang Chief Kuwago at pamilya nito sa pagkamatay ni Enriqueta M. Raagas.

Ngayon araw ang libing nito pagkatapos ng isang misa sa Chrysanthemum Memorial Garden sa Pagadian City dakong alas 3:30pm.

Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.

Show comments