^

PSN Opinyon

Wala nang AIDG

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

BINUWAG na ni PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa ang Anti-Illegal Drugs Group, dahil na rin sa kaso ng pagdukot at pagpatay kay Jee Ick-joo. Ipinangako ito ni Pres. Rodrigo Duterte, na ipinatupad kaagad ni Dela Rosa. Ikinahihiya raw ni Duterte na ang mga pulis pa sa grupong ito ang sangkot sa isang karima-rimarim na krimen. Maraming nakaaalam na ang kampanya niya ay laban sa iligal na droga, na libu-libo na ang napapatay at nahuhuli.

Inanunsyo na rin ni Dela Rosa ang pansamantalang pagsuspindi ng kampanya laban sa iligal na droga, para matukuyan nang husto ang problema ng katiwalian sa PNP. Ibig sabihin, ang kanilang laban ngayon ay sa mga kriminal na pulis. Magbubuo ng counter-intelligence na grupo, para hanapin at masiwalat ang lahat ng sangkot sa kriminalidad sa PNP. Ang mga magiging bahagi ng grupong ito ay mga pulis din na walang kaduda-duda ang integridad, walang bahid ng kriminalidad sa kanilang rekord. Ito, sa kabila naman ng pahayag ni Duterte na magtutuloy ang kampanya laban sa iligal na droga hanggang sa katapusan ng kanyang termino. Wala nang “six months, six months” na taning.

Pinupuri ko ang mga kilos na ito. Salamat naman at inamin na ni Duterte na malaking porsiyento ng PNP ay marumi. Ayon sa kanyang estimasyon, nasa 40 porsi­yento ng PNP ay marumi. Halos kalahati. Wala talagang mangyayari sa lipunan, kung ang mga pulis mismo ang sangkot sa kriminalidad. Magpapagamot ka ba sa doktor na dinadaya ka na sa gamot? Magpapagawa ka ba ng bahay sa taong dinadaya ka sa materyales? Ang pangamba ko lang ay baka naman itong mga counter-intelligennce naman ang maakit sa kriminalidad pag dating ng panahon, o baka naman mga kaibigan din nila ang mga tiwali sa PNP. Tandaan, ilang mga pulis na sangkot sa kriminalidad ay nakatanggap pa ng ilang parangal mula sa PNP. Kaya walang saysay ang mga parangal na iyan. Kung makahanap sila ng mga pulis na matibay ang integridad, mabuti. Bigyan lang sila ng lahat ng kapangyarihan para masugpo ang katiwalian sa PNP. Bigyan na rin sila ng proteksiyon, dahil sigurado, hindi lang basta-basta susuko ang mga kriminal na pulis.

AIDG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with