^

PSN Opinyon

Pamana

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

NGAYON ay Bonifacio Day, araw ng kapanganakan ng bayani ng Maynila, Supremo Andres Bonifacio ng Tondo.

Si Bonifacio ay isa sa dalawang pambansang ba­yani, kasama ni Dr. Jose P. Rizal. Ilang henerasyon na ng Pilipino ang lumaki at nagmatrikula sa talambuhay ni Dr. Rizal. Sa lahat ng pamantasan sa Pilipinas, itinakda ng batas, RA 1425 mula pa noong 1956, ang pagturo ng buhay, obra at kasulatan ni Dr. Rizal. Walang katumbas na batas ang nagsasaad ng ganitong pagpapahalaga sa buhay, obra at kasulatan ni Gat Andres Bonifacio.

Sa kabila nito ay minabuti ng Universidad de Manila (UDM) na kilalanin ang kabayanihan ng Supremo sa pamamagitan ng pagbuo ng kurso tungkol sa kanyang buhay. Bago makatapos ang bawat mag-aaral ng UDM, obligado itong maipasa hindi lamang ang 3 units ng Rizal course kung hindi rin ang 3 units na Bonifacio course.

Si Bonifacio ay anak ng Maynila. Laking Tondo, ito na marahil ang pinakatanyag sa lahi ng mga Manilenyong nagkatatak sa ating kaisipan. Kasama nito ang mga naunang sina Rajah Soliman, Lakan Dula hanggang sa mga pinakabagong bayani kagaya nina Pangulong Mayor Joseph Estrada at iba pang outstanding Manilans na nagbigay karangalan sa kanilang Lungsod. Sa katunayan, ang pinakamalaki at mahalagang pagkilala na maigagawad ng Maynila ay ang tinaguriang Gat Andres­ Bonifacio award. Sa kasaysayan ng lungsod, apat na beses pa lang ito naibibigay.

Matagal nang panukala ng ibat ibang sektor ang pagbigay ng kaukulang pagpugay at pagpapahalaga sa buhay ni Bonifacio. Mas maayos sana kapag pag-aralan siya tulad ng pagkilalang binigay ng Kongreso kay Dr. Rizal noong 1956 pa.

Ang hakbanging ito ay napapanahon. Inumpisahan na ng Lungsod ng Maynila at ng UDM. Sana ay mapantayan ng ating mga nasyonal na opisyal ang inisyatibo at isabatas na rin ang ganitong kurso sa buong kalahatan. Hindi lamang ang mamamayan ng Maynila ang dapat makinabang at matuto sa mga ipinamanang aral ng kanyang buhay. Bawat isang Pilipino ay may karapatan ding maging tagapagmana ni Andres Bonifacio.

SUPREMO ANDRES BONIFACIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with