^

PSN Opinyon

FVR humiwalay na kay Digong

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

TULUYAN nang kumalas si dating Pres. Fidel V. Ramos kay Pres. Digong Duterte. Hindi niya sinunod ang payo sa kanya ni FVR tungkol sa issue ng mga Amerikano. Simple lang naman ang gusto ni FVR, h’wag murahin ang mata­taas na lider ng ibang bansa at pahalagahan ang pagi­ging magkaibigan ng dalawang bansa. Tuluyan nang nag-resign ang dating Presidente dahil kaya na naman daw ng grupo ni Duterte na makipagpulong sa lider ng China.

Kung maaalala n’yo bagsak ang grado ni Digong kay FVR sa kanyang ika-100 araw sa serbisyo. Kainitan ang survey nang minura ni Digong si Pres. Barack Obama dahil sa pagpuna nito sa war on drugs sa ating bansa, at ipinag-utos din ng Presidente na ihinto na ang joint military exercises sa bansa. Hindi sumang-ayon si FVR sa mga desisyon ni Digong, ipinaalala sa kanya ang kahalagahan ng pagkakaibigan natin sa mga Amerikano. Ayon sa dating Presidente, ang sa kanya ay payo ng isang kuya sa kapatid.

Sa aking palagay nagalit na sa atin ang Amerikano, kaya ngayon pahirapan sa pagkuha ng US visa, kahit ‘yung mga magre-renew ng kanilang mga US visa ay hindi na nila binibigyan. Pero sang-ayon ako sa sinabi ni President Digong na gusto nyang kumuha rin ng Philippine visa ang mga Amerikanong pupunta sa ating bansa.

Naiintindihan ko si FVR, na huwag sanang magpadalus-dalos sa pagsasalita si President Duterte. Isa si FVR sa naging sandigan ni Duterte nung nakaraang halalan. Dapat may paninindigan ang Presidente sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. Tingnan natin kung ano ang magiging resulta sa pagkalas natin sa US at pagkalas ni FVR kay Digong. Paalala lang, naging Pre­sident si Digong dahil sa boto nang nakararami, huwag naman sana niyang sayangin ang pagkakataon na maging isang magiting na Presidente ng ating bansa.

TONY KATIGBAK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with