NAKAKABAHALA ang galaw ng mga private armed groups o PAG’s sa Samar partikular sa Calbayog City sa nangyayaring political killings doon kaya naglunsad ang AFP at PNP ng joint task force ‘CAGASMAS’ para wakasan at disarmahan ang mga pribadong grupo sa lalawigan.
Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kumilos ang mga tauhan ni Police Regional Office 8 Director Chief Supt. Elmer Beltejar para lumikha ng ‘focus units’ na ang tanging misyon ay para manghuli ng mga private armed groups sa probinsiya lalo na sa Calbayog at tapusin ang kanilang paghari-harian dito.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kasama ang paglulunsad ng Joint Task Force ‘CAGASMAS,’ sa mga lugar ng City of Calbayog at mga bayan ng Gandara, San Jorge, Matuguinao at Sta. Margarita. Ang paglagda sa peace convenant sa mga local officials ng pamahalaan ay upang suportahan at makipagtulungan sa task force sa kanilang kampanya para gibain ang private armed groups sa Samar province.
Sinabi ni AFP Central Command chief Lt. Gen. Raul Del Rosario, may direktiba si Pangulong Rody Duterte para sa AFP-CentCom, na iniisyu sa pagsasagawa ng isang mas agresibo diskarte upang lansagin ang mga private armed groups at iba pang lawless elements sa probinsiya.
‘The problem of PAGs in Samar has stunted its progress despite its potential as a major food and tourism hub. He noted however PAGs can only be dismantled if they are being supported and are not given refuge by their political patrons so the full cooperation of the politicians in the area still holds the key in ensuring the success of their campaign.’ sabi ni del Rosario.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mismong si Samar 1st district Rep. Edgar Sarmiento, ang nagreklamo na sa loob lamang ng anim na linggo mula noong Agosto, may anim na mga opisyal ng barangay ang pinatay ng pag’s sa Calbayog City.
Sabi nga, grabe pala ito.
Ayon kay Col. Mario G. Lacurom, Brigade commander ng Philippine Army 803 Brigade at Samar Provincial Police Office Acting Director Senior Supt. Elmer Pelobello, mula Enero hanggang Setyembre may kabuuan 38 shooting incidents ang ginawa ng private armed groups ang masama pa anila may 21 na ang karamihan ay village lider ay pinatay.
Susmaryosep!
Pinasalamantan ni Sarmiento, ang AFP at PNP sa ‘focus unit’ para matapos na ang mga patayan sa kanyang probinsiya para umunlad na ang Samar.
Sa panahon ng peace covenant sa Ciriaco Hotel sa Calbayog City, nagpahayag ng pag-asa si Governor Sharee Anne Tan-Delos Santos, sa paglikha ng Joint Task Force CAGAMAS para wakasan ang mga pag’s sa kanyang probinsiya. Ikinuento nito na noong mga nagdaan panahon ay may mga ganito ring sistemang ginawa pero walang nangyari.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagsasawa na umano si Gov. sa pagpirma sa peace covenant kasi wala namang nangyayari pero subukan muli ito para magtagumpay.
Ayon kay Matuguinao Mayor Melissa Dela Cruz, sinusuportahan niya ang joint task force para malutas na ang problema sa bayan ko. Noon, pinatay ng pag’s ang kanyang ama at tiyuhin.
Abangan.