^

PSN Opinyon

OPLAN Rody

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

HINDI pa man naipo-proklamang Pangulo si president-elect Rodrigo Duterte, nangyayari na yung kanyang mga pangakong susugpuin niya ang krimina­lidad gaya ng paglaganap ng illegal na droga.

Sa mga nakalipas na araw, sunud-sunod ang nang­yaring pagpaslang sa mga drug pushers sa iba’t ibang dako ng bansa. Ano pa kaya ang mas masahol na mangyayari kapag nasa kapangyarihan na talaga si Duterte? Palagay ko maraming maglulutangang kri­minal sa mga ilog at dagat.

Ipinangako rin ni Duterte na mahigpit na ipagbabawal ang pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar at marami sa mga lasanggong gumagawa ng ganito ay pinagdadampot na ng mga pulis, ikinulong at pinag-push-up ng apatnapung beses sa presinto. Sana ay sampolan na rin yung mga kahit hatinggabi at madaling araw ay ayaw magpatulog ng kapitbahay dahil sa malakas na volume ng karaoke.

Hindi ko sinasang-ayunan ang summary execution pero pabor ako sa pagsita sa mga umiinom sa mga bangketa at nagpapatugtog ng karaoke sa alanga­ning­ oras. Hindi na human rights violation kung pagbawalan sila dahil sila man ay hindi iginagalang ang karapatan ng iba na magpahinga.

Nagpapakitang gilas na ang mga pulis sa bagong Pangulo. Sa tingin ko rin, pati yung mga pulis na ka­sab­wat ng mga kriminal ay medyo didistansya na sa mga kriminal na pinoprotektahan nila para hindi masibak ni Duterte.

Palagay ko hindi dapat ma-impress sa mga pulis na nagpapakitang gilas lamang pero sa katagalan ay babalik sa masamang gawi. Yung mga talagang haragan na pulis ayhindi na dapat bigyan ng second chance para hindi na mahawa pa yung ibang matitino.

AGRICULTURAL SMUGGLING

ANTI-AGRICULTURAL SMUGGLING ACT

ECONOMIC SABOTAGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with