^

PSN Opinyon

Laging handa ang Maynila sa anumang kalamidad

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada - Pilipino Star Ngayon

NABABAHALA man ang publiko ngayon dahil sa epekto ng matinding tag-init kasabay ng El Niño, hindi rin naman maaaring isantabi ang mga ginagawang paghahanda sa parating na tag-ulan. Sa katunayan, ang Lunsod ng Maynila ay patuloy na nagsasagawa ng mga pagsasanay at nagkakaloob ng mga kagamitan sa mga barangay bilang paghahanda hindi lang para sa tag-ulan, kundi sa anumang kalamidad o trahedya, sunog, malalakas na bagyo, at lindol. 

Sa pakikipagtulungan ng Meralco, naging mas handa ang mga barangay ng Maynila sa pagkakaloob nito ng daan-daang mga “salba-bote” na kanilang magagamit bilang pangsagip ng buhay sa panahon ng mataas na pagbaha, lalo’t mayroong mga lugar sa kapitolyong lungsod na mabababa at binabaha kahit walang ulan at kung may high tide. 

Ang “salba-bote” ay mga salbabidang gawa sa mga bote ng softdrinks at ibinalot sa rubber mesh na isinusuot bilang life vest at maaari ring pagdugtung-dugtungin upang ma­ging balsa. Ang simpleng disenyo nito ay maaaring kopyahin at madaling gawin ng bawat pamilya. 

Bukod dito, nauna nang ilunsad ni Mayor Joseph “Erap” Estrada ang mga simpleng kagamitan sa bahay na maa­aring ihanda ng mga miyembro ng pamilya bilang basic survival tools gaya ng “Go Timba” o mga lumang balde, sand-in-sack at paracord survival bracelet. Naglaan na rin ang lungsod ng P600 milyon bilang paghahanda ng Maynila sa mga sakuna. 

Pagmamalaki ni Mayor Estrada, bumili na rin ang lungsod nang maraming equipment at mga sasakyan upang magamit tuwing may kalamidad. Handa na ang mga rescue vans, amphibious trucks at jeeps, at fiber boats, at iba pang sasakyan at gamit. Plano rin ng lungsod na magkaroon ng long range public address system, weather forecasting system, mobile command and control vehicle at maraming ambulansya. Saad ni Erap, ayon nga sa kasabihan, iba na ang laging handa. 

Bukod dito ay inorganisa na rin ng pamahalaang lungsod ang isang malaking disaster conference upang magbigay ng wastong kaalaman at sapat na kahandaan sa bawat Mani­lenyo sa pagdating ng kalamidad.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with