Desisyon kay Grace ipaubaya sa taumbayan
SA ganang akin, ipaubaya na lang sa mga mamamayang Pilipino kung karapatdapat maging Presidente ng Pilipinas si Grace Poe. Sa ilalim ng 1987 Philippine Constitution, and karapatan ng mamamayan na bumoto ay soberenyang karapatan na dapat mangibabaw. Tulad ng sinabi ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen, “the people’s right to vote is an aspect of sovereignty”.
Nagiging underdog ang dating ni Grace na tila ba pinagkakaisahang alisin sa karerang pampanguluhan ng kanyang mga kalaban at ito’y napakapangit tingnan. Dagdag ni Leonen “Suffrage is one of the direct exercises, perhaps the only direct exercise, where people actually select their agents in terms of government. At kung susundin ang doktrinang ito, papayagan munang magdesisyon ang tao at pagkatapos, doon maglalabas ng desisyon bilang final arbiter ng kaso. Sinabi ito ni Leonen sa unang araw ng oral arguments sa dinidinig na kaso ng disqualification laban kay Grace.
Inaanyayahan ni Leonen ang lahat na suriing mabuti ang kaso ni Grace sa ibang perspektibo na kakaiba sa pananaw ng ilan sa kanyang kapwa kasapi ng SC.
Ang mga supporters at kampo mismo ni Grace ang naggigiit na ipasa ang pagpapasya sa taumbayan sa halip na tumalima sa mga probisyon ng Konstitusyon hinggil sa kuwalipikasyon ng mga gustong maging Pangulo.
Ito ay sa ilalim ng pinaniniwalaang prinsipyo na ang tinig ng tao ay tinig ng Dios. Tutal anila, ang Konstitusyon ay nabuo dahil na rin sa huling pagpapasya mismo ng mga mamamayan na siyang nagratipika dito. Ani Leonen, may mekanismo sa Konstitusyon na kumikilala sa poder ng taumbayan na pumili sa kanilang magiging pinuno at ang Korte Suiprema lamang ang magiging final arbiter sa dakong huli.
- Latest