TALAGA bang walang pakialam ang accidental president na si Noynoy sa kanyang mga nasasakupan?
Lalong lumalala ang family feud nina Iglesia ni Cristo executive minister Ka Eduardo Manalo at ang kanyang lupon kontra sa kanyang mga kapatid, sina Ka Angel at Ka Lottie Manalo kasama ang kanilang inang si KaTenny.
Bilang ama ng bansa, mayroon siyang obligasyong moral na ayusin ang anumang hidwaan ng kanyang mga nasasakupan.
Huwag niyang ikatwiran na mayroong batas tungkol sa separation of church and state. Dahil sa puntong ito ay hindi maaring gamitin ang doktrina ng hiwalay ang simbahan sa estado dahil ang mga taong sangkot ay individual na kasapi ng INC at hindi mismong ang simbahan.
Hindi ba alam ni Aquino ang isa pang doktrina na “no one is above the law?.”
Kapag hindi nakialam si Aquino sa sigalot ng pamilya maaring isipin ng mga mamamayan na binibigyan niya ng special treatment ang isang panig dahil sa kanyang pananahimik.
Katunayan gumawa ako ng paraan para dalawin sina Ka Angel, Ka Lottie at Ka Tenny pero ayaw pumayag ng mga guwardiya sa residential compound ng pamilya Manalo sa Commonwealth Avenue, Quezon City.
Mas mahigpit pa sila kaysa sa mga guwardiyang naatasang magbantay sa Fort Knox sa USA, kung saan nakatago ang gold reserves ng American government.
Sinikap kong magpadala ng grocery at de boteng tubig, nguni’t tumanggi itong tanggapin ng mga security guard na ang higpit ay masahol pa sa mga storm trooper ni Hitler noong World War 11.
Kaya iminumungkahi ko na ayusin ng pangulo ang family feud ng mga Manalo dahi maaring ang karapatang pantao nina Ka Angel, Ka Lottie at Ka Tenny ay nalalabag o apparently being violated.
Mayroon ding bali-balita na mayroong nagaganap na persecution sa tatlo. Mukhang hindi rin sila nabigyan ng kaukulang due process bago sila itiniwalag sa INC.