Paputok kontra nagpapaputok
HILAW ang gobierno ng Philippines my Philippines kapag maghihiwalay na ang taon dahil inutil ang mga itong ipatupad ang ‘total ban’ ng firecrackers.
Bakit?
Sagot - may atik kasi sa paputok kaya naman bahag ang buntot ng gobierno tungkol sa usaping ito.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, taun-taon na lang hindi bababa sa 20 people ang itinatakbo sa ospital dahil nasabugan ng paputok kaya may mga biktimang napuputulan ng daliri, kamay, paa, nabubulag, nalalason at kapag minalas - malas kinukuha pa sila ni Lord.
Ika nga, tigok!
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi lang naman ngayon 2015, ito pinag-uusapan maraming taon na ang nagdaan up to now ito pa rin ang ‘topic’ sangkatutak pa rin ang mga biktima ng firecrackers at mga nasunugan bahay dahil sa paputok.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, paghupa ng putukan sa Philippines my Philippines tiyak ang ulat ng DOH, PNP at Bureau of Fire maraming biktima at bahay na nasunog?
Naku ha!
Sana huwag naman.
Sabi ng mga asset ng mga kuwagot ng ORA MISMO, sa Marikina City ipinagbabawal ang paputok at kung pumapayag man ang LGU’s dito ay sa isang lugar ito ginagawa at hindi iyong kung saan-saan lamang.
‘Hinuhuli ng mga autoridad ang mga pasaway sa Marikina City.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.
Bakit?
Sagot - may ‘political will’ ang pamahalaan nila dahil gusto nilang iligtas sa tiyak na kapahamakan ang kanilang mga kababayan.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung talagang ‘sincere’ sa madlang people ang gobierno ipatupad ang ‘total ban’ sa mga paputok para malayo sila sa kapahamakan.
Kambiyo issue, tumataas ang bilang ng mga tinatamaan ng bala sa kamay ng mga animal na makati ang daliri sa pagkalabit ng gatilyo ng kanilang boga.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kahit nasa loob ng haybol ang isang nilalang ni Lord ay hindi pa rin siya nakakatiyak na ligtas siya sa mga gagong walang habas na nagpapaputok ng boga.
‘Bakit hindi na lang ang gamit nila sa ibaba ang paputukin nila para iwas disgrasiya...tamaan man ay hindi masasaktan ang mababagsakan.’ sabi ng kuwagong atat.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, karamihan ng nagpapaputok ng kanilang mga boga ay siguradong lango sa droga o alak dahil kung matino ang isip nila tiyak hindi sila magpapaputok.
‘Para manahimik na ang mga nagpapaputok ng barll (indiscriminate firing) hatawin este patawan pala ng mas mabigat na parusa ang mga gunggong na ito.
Sabi nga, parusahan nang mas mabigat ang mga gagong mapapatunayan nagkasala.
Suggestion - kapag walang tinamaan na madlang people dapat 6 to 8 years kulong ang parusa at kung may tinamaan nilalang ni Lord siguro puede na 10 to 12 years at kung namatay ang biktima palagay ko patawan ng habang buhay na pagkakakulong with matching compensation para sa victim nila.
Ika nga, kailangan amyendahan ang batas para dagdagan ang pusa este mali parusa pala.
Sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO, kapag ganito ang batas na ipatutupad wala ng maglalakas ng loob na magyabang at magpaputok ng kanilang boga.
Sabi nga, political will lang ang kailangan .
‘Kapag bawal... dapat bawal!
Ika nga, huwag na silang kunsintihin.
Teka pala bago makalimutan ng Chief Kuwago, saan nga pala napupunta ang mga kinumpiskang paputok ng PNP?
‘Nagtatanong lang po!’
Abangan.
- Latest