^

PSN Opinyon

‘Binabastardong agrikultura’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

SA tuwing may dumarating na kalamidad miserable ang buhay ng mga magsasaka.

Walang-katiyakan at nawawalan ng pag-asa habang ang mga nakaupo sa gobyerno manhid at relax lang. Sila rin ang mga literal na hampas-lupang pinagsasamantalahan ng mga trapo. Ginagamit ng mga pulitiko sa kanilang mga plataporma. Puro pangako pero sa reyalidad, lahat napapako.

Papaano ba naman kasi ang nakaupong sekretaryo ng Department of Agriculture (DA), walang ginagawa.

Inilagay sa pwesto ng kanilang patron dahil kapartido. Kaya nga naging dalawang ulo sa DA, nagkaroon ng Food Czar Kiko Pangilinan para aalalay daw kay Proceso Alcala.

Pero sa halip na mapabuti at mapagtuunan ng pansin ang mga magsasaka, lalo pa silang ipinako sa krus. Tinanggal na nga ni Pangulong Noy Aquino ang subsidiyang binhi at fer­tilizer, itinutulak pa ng pamunuan ng DA ang importasyon.

Namihasa sa mistulang legalized smuggling ng mga agriculture products. Ang kanilang dahilan, mas makakamura daw ang gobyerno kung mag-iimport nalang. Pilit talaga nilang ipinaglalabang mag-angkat nalang ng milyones na metrikong tonelada ng bigas taon-taon dahil may kawat.

Dapat matutukan ng susunod na administrasyon ang mga pobreng magsasakang nangangalam ang sikmura. Pag­tuunan ng pansin ang irigasyon at subsidiyang para sa kanila nang sa ganun maengganyo ang mga magsasakang nawawalan na ng ganang magsaka.

Ang problema sa kasalukuyang mga namumuno sa gobyerno, ayaw pag-usapan ang kapakanan ng mga nagbubungkal nang lupa. Mas inuuna pa ang pulitika at pamumulitika. Saka nalang sila kikilos kapag nagkakawindang-windang na.

Maliban na lang kung may kalansing ng pera at maibu­bulsa, tiyak yan, mas mabilis pa sila sa kidlat.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming­, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

ABANGAN

ACIRC

ANG

DAPAT

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

FOOD CZAR KIKO PANGILINAN

GINAGAMIT

INILAGAY

MGA

PANGULONG NOY AQUINO

PROCESO ALCALA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with