^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Kilos LTFRB, dakmain mga isnaberong taxi driver

Pilipino Star Ngayon

NAGKALAT ngayon ang mga isnaberong taxi driver. Paikut-ikot sila sa paligid ng mga mall at kapag pinara ng pasahero para sumakay, itatanong ng driver kung saan pupunta. Kapag sinabi ng pasa­hero ang lugar at hindi nagustuhan ng drayber dahil trapik doon, tatanggihan na ng taxi driver.

May mga pagkakataong nakaupo na ang pasahero pero pabababain ng driver at sasabihing malayo at matrapik ang lugar. Ang kawawang pasahero, walang magawa kundi bumaba. Hindi na naki­kipagtalo sa taxi driver.

Kamakalawa ng gabi, ibinalita sa TV Patrol na isang isnaberong taxi driver ang nakatapat ng isang matapang na pasahero. Hindi bumaba ang pasahero kahit pinabababa ng driver. Ang pasaherong lalaki ay galing sa Quezon City at nagpapahatid sa Maynila. Nakaupo na ang lalaki pero sinabi ng taxi driver na masyadong matrapik sa Maynila. Pero hindi natakot ang pasahero. Nanatili siya sa upuan. Kahit pa sinabi ng driver na bumaba siya hindi niya ginawa. Nanatili siya sa pagkakaupo.

Nang hindi siya bumaba, pinaharurot ng driver ang taxi at sabi pa dadalhin na lang siya sa garahe nito sa Pasig.

Sa puntong iyon nagpakilala ang lalaki na isang agent ng National Bureau of Investigation (NBI). Pero kahit nagpakilala, balewala sa driver. Ano raw ngayon kung NBI ang lalaki.

Dinala pa rin ang lalaki sa garahe sa Pasig at doon na nagsimula ang delubyo sa lalaki. Nag­banta ang NBI agent na kakasuhan ang driver ng kidnapping. Humingi ng backup ang agent. Walang nagawa ang walanghiyang driver kundi ihatid ang NBI agent pero sa headquarters na siya pinade­retso. Sinampahan ng patung-patong na kaso ang walanghiyang driver. Marami siyang hahara­ping kaso dahil sa pagiging isnabero.

Sabi ng NBI agent, paano raw kung karaniwang pasahero lang ang nakatapat ng driver e di wala lang.

Nararapat namang umaksiyon ang LTFRB sa pangyayaring ito. Bakit hindi magkunwaring pasa­hero ang mga taga-LTFRB para sila mismo ang dumakma sa mga isnaberong taxi driver. On the spot ang gawin sa mga taxi driver na nasa mall. Tingnan natin kung makakapalag sila.

ACIRC

ANG

DRIVER

HINDI

MAYNILA

NANATILI

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PASAHERO

PASIG

PERO

TAXI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with