Hula, hula hoop

NAGULANTANG ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kaya naman natutuwa sila matapos makahagip ng tsimis tungkol sa mangyayari sa 2016 sa ilang offices ng government of the Philipines my Philippines dahil magkakatulakan at magkakaroon ng mga bagong posisyon dyan sa Supreme Court at maging sa DOJ with matching Bureau of Immigration.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naririnig nila ang pangalan ni DOJ Secretary Alfredo Benjamin Caguioa na papalit kay Supreme Court Associate Justice Martin Villaraman Jr., na magre-retired next month sa kanyang puesto.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malamang ang pumalit kay Caguioa sa DOJ na iiwanan nitong puesto kung itutulak ito paitaas sa SC ay si DOJ undersecretary Emmanuel Leido Caparas, ang spokesperson ng Dept. of Justice sa ngayon.

‘Sana magkatotoo ang hula sa dalawang Atenista?’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Abangan.

NAIA ‘tanim-bala’ scam, ano na?

ITINATANONG ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung ano na ang nangyari sa imbestigasyon regarding sa isyu ng ‘Tanim-Laglag Bala’ extortion scam sa tinaguriang NAIA ‘worst airport’?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, humirit pa raw ng 15 working days ang NBI para tapusin ang kanilang report sa kontrobersyal na isyu na napabalita sa buong mundo.

Ika nga, kinatakutan!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, walang katotohanan naida-down play ang usaping ‘tanim - bala’ scam kaya pinatatagal ang imbestigasyon?

Tanong - ano ang mas mabuti?

Sagot- kayo ang maghugas este mali humusga pala!

Abangan.

Laong Laan Lodge 185

LAST Saturday natapos na rin ang botohan ng mga new set of officers ng Laong - Laan Lodge 185 para sa Masonic year 2016.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga hangal este mali nahalal pala para sa 2016 ay sina Senior Warden Bro. Rey Raagas, bilang bagong talaba este talaga palang Worshipful Master ng Loya, Jr. Warder Bro. Macky Santos, bilang Senior Warden, Senior Deacon Bro. Wally Sumilang, bilang Jr. Warden, Secretary Bro. Peter Lim, at Treasurer Bro. Benny Sales ang ibang mga appointees ay pinagmumuni-munihan pa ng mga bagong upo sa trono ng Laong Laan Lodge 185.

Ipinaaalam ni WB Rey Raagas sa lahat ng Master Masons, family and friends na huwag silang mawawala sa araw ng Masonic year 2016 Installation nila sa unang Sabado ng Pebrero next year dahil hindi biro ang ihahanda ng mga ito para sa mga bibisita.

Abangan.

Show comments