Nasa puso ang basketball
BAGO ang 1900s, hindi kilala ang basketball sa Pilipinas. Dahil sa 300 taon na kolonisasyon ng mga Kastila, ang mga Pinoy ay mahilig sa sabong, sugal at arnis de mano.
Nagbago ang lahat nang dumating ang mga Kano. Niyakap ng mga Pinoy ang basketball dahil ito’y competitive at puno ng aksyon. Kelangan din dito ang team work, na swak sa communal spirit ng Pilipino.
Nabuo ang ating Philippine national basketball team. Lumaban ito sa Far Eastern Championship Games. Madalas manalo ang Pilipinas sa mga Games na ito. Lagi tayong gold medalist. Minsan lang tayo natalo ng China noong 1921, nang makuha natin ang silver.
Sumali rin tayo sa unang Olympics basketball tournament. At number five tayo, with a 4-1 win-loss record. Napatumba natin ang Italy, Mexico, Estonia at Uruguay. Pero natalo tayo ng USA, na naging champion.
Isinama na ang basketball sa PE curriculum. Nabuo rin ang National Collegiate Athletic Association (NCAA) noong 1924. Sumunod naman ang University Athletic Association of the Philippines noong 1938. Noong 1938, ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa na naka score ng at least 100 points sa isang Olympic game. Natsugi natin ang Iraq. Ang score? 102 ang Philippines at 30 ang Iraq!
Noong 1950s, pinakawalan ng Pilipinas ang powerhouse tandem nina Lauro Mumar at Carlos Loyzaga. Pangatlo ang Pilipinas sa 1954 FIBA World Championships, salamat kina Mumar at Loyzaga. Ang Dynamic Duo rin ang dahilan kaya humakot ng ilang gold medals sa Asian Games.
Noong 1960s, sumikat ang basketbol sa collegiate games, at Manila Industrial and Commercial Athletic Association, o MICAA. Dito nakilala sina Sonny Jaworski at Ramon Fernandez.
Noong 1975, itinayo ang Philippine Basketball Association (PBA). Ito ang unang play-for-pay basketball league sa Asya. Dito lumutang ang rivalry ng Toyota at Crispa.
Hanggang ngayon ay sikat pa rin ang basketball sa Pilipinas. Ang sabi nga ng Gilas Team, ito kasi’y nasa ating Puso!
* * *
Ipadala ang mga komento sa [email protected]
- Latest