^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kailan magiging responsible ang DOTC?

Pilipino Star Ngayon

GRABE na ang mga pagkukulang at pagwa­walambahala ng Department of Transportation and Communications (DOTC) sa mga serbisyong dapat ay matanggap ng taumbayan. Sa lahat nang tanggapan ng gobyerno, ito ang may pinakamaraming pagkukulang at masyadong taliwas sa pinangangalandakang “tuwid na daan” ng admi­nistrasyon. Masyadong iresponsable ang tanggapang pinamumunuan ni Secretary Joseph Abaya. Baluktot na daan ang kanilang tinutungo.

Sa ginawang hearing ng Senado noong Lunes, tahasang sinabi ni Sen. Grace Poe na dapat nang magkaroon ng bagong pinuno ang DOTC para naman makatikim nang tamang serbisyo ang mamamayan. Panahon na para magkaroon ng pagbabago sa DOTC. Maski si Sen. Chiz Escudero ay nagsabi na dapat nang sibakin ni President Noynoy Aquino si Abaya. Kahihiyan umano ng pamahalaan si Abaya.

Subalit walang mangyayari sa panawagang mag-resign o sibakin si Abaya sapagkat kaalyado ito ng Presidente. Maski ang mga “boss” na ni Aquino ang magsabing sibakin si Abaya ay hindi rin ito mangyayari. Masasayang lamang ang laway sa pana­wagang alisin na ang DOTC secretary sa puwesto.

Matagal nang nagtitiis ang mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) sa halos araw-araw na aberya. Ngayong linggong ito, dalawang beses tumirik. Pangako ni Abaya, sa 2016 daw ay wala nang problema sa MRT. Pero marami ang nagdu­duda kay Abaya.

Problema rin ang kawalan ng plaka at driver’s license sa Land Transportation Office (LTO) na sakop pa rin ni Abaya. Hindi makadeliber ng mga plaka­ at lisensiya ang LTO. Ngayon lang ito nangyari.

At ang nakakahiya ay ang “tanim-bala” sa NAIA na nasa ilalim pa rin ng tanggapan ni Abaya. Maraming OFW, balikbayan at turista ang nabik­tima ng “tanim-bala” subalit walang makitang malasakit si Abaya. Isolated case raw ang nangyayari. Kakaunti lamang daw ito.

Dapat na ngang magkaroon ng bagong pinuno ang DOTC para makalasap nang tama at sapat na serbisyo ang mamamayan. Kailangan ay responsableng pinuno at may pakiramdam.

vuukle comment

ABAYA

ACIRC

ANG

CHIZ ESCUDERO

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

GRACE POE

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MASKI

METRO RAIL TRANSIT

NANG

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with