KUNG may ‘tanim-bala’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), mayroon ding ‘tanim-sakit’ sa mga klinikang pang-manggagawa.
Sadyang paglalagay ng sakit ng mga medical clinic sa isang aplikanteng overseas Filipino worker (OFW).
Ginagawang unfit to work ang isang manggagawa kahit na idineklara nang fit to work siya ng dalubhasa at awtoridad sa larangan ng kalusugan.
Tulad ni ‘Racell,’ biktima ng St. Peter Paul Medical Clinic sa Ermita, Maynila. In-unfit to work ng isang medical doctor na si Dra. Cynthia Romero.
Ayon sa OFW, tatlong beses na siyang pabalik-balik sa Taiwan. Isa na rin siyang maikukunsiderang Balik-Manggagawa sa kategorya ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) kung saan hindi na niya kailangan pang magbayad ng placement fee.
Aminado si Racell, dati siyang nagkaroon ng progressive tuberculosis minimal (PTB) pero idineklara na siya ng pulmonologist na magaling.
Ganito rin ang ebalwasyon ng pulmonologist sa Lung Center of the Philippines na nagsagawa ng second opinion kay Racell base na rin sa rekomendasyon ni Dra. Romero. Fit to work, fit to travel at fit to study ang resulta.
Ayon din sa radiologist na nagsagawa ng chest x-ray examination, maikukunsidera nang matandang peklat nalang ang tama sa baga nang OFW at hindi na nakakahawa.
Subalit ang ebalwasyong ito ng Lung Center of the Philippines na dalubhasa at awtoridad sa larangan ng pulmonary o baga, ayaw tanggapin ng hamak na St. Peter – Paul Medical Clinic. Sarado na raw sila sa pobreng OFW kahit na ano pa ang dalhin nitong positibong resulta mula sa Lung Center of the Philippines.
Isa sa mga nakikitang dahilan kung bakit in-unfit to work si Racell ng St. Peter Paul Medical Clinic ang malaking halaga ngplacement fee na gustong pabayaran sa kaniya.
Marami pang mga OFW ang dumanas ng inhustisyang katulad nang pang-aabuso kay Racell. Bukas ang pintuan ngBITAG sa mga nabiktima ng abusadong klinika.
Panoorin ang ‘UNFIT TO WORK’ sa bitagtheoriginal.com click BITAG New Generation.
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.