^

PSN Opinyon

Freedom to forget

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

ANG Freedom of Information (FOI) Bill ay isang panukalang maaasahang lulutang at pag-uusapan tuwing eleksyon. Ilan mang three year term ang lumipas, tiyak makakaharap muli at paulit ulit ang usaping ito.

Masdan na lamang itong last 2013 elections. Ang noo’y magka-tandem na kandidatong Noynoy Aquino at Mar Roxas ay hayagang pinaglaban ang freedom of information bilang bahagi ng kanilang plataporma. Ilang beses ba nating narinig ang kasabihang “sunshine is the best disinfectant” at “sunshine kills all the germs” bilang pantukoy sa isang batas na pinauubaya sa mamamayan ang mga impormasyon tungkol sa mga pamamalakad at decision making processes ng gobyerno. Nang mapanalunan ni P-Noy ang Malakanyang, hindi nito agad iminungkahi ang kanyang bersyon ng FOI. Sa halip ay binigyan ito ng palugit ng tao at baka naman pinag-aaralan pa ang pinakamagandang approach dito.

Fast forward to 2016 at hanggang ngayon ay hindi pa rin ipinapasa ang FOI bill. At hindi lang ito kaso ng nakaligtaan gawin. Taunan ay ipinapaalala ng bansa kay Pangulong Aquino ang ipinaglaban nitong Freedom of Information Bill noong siya’y kandidato. Ang hinanakit ay bakit hindi ito napapabilang sa daan-daang mga panukala ng administrasyon na ipinadadala sa Kongreso bilang urgent measures. At taun-taon din nitong sinasagot na bigla na lang hindi ito priority ng adminis­trasyon. Nagkalimutan na. Ang mga sikreto at pagta­takip ng GMA administration na halos ikamatay ng mga nakipaglaban para sa katotohanan ay siya ring naging istilo ng Aquino administration.

Ngayon na mayroon nang hinirang na kapalit si P-Noy sa kanyang “daan”, mukhang hindi pa rin masisilayan ng Pilipino ang ipinangakong liwanag sa mga rekord ng gobyerno dahil si LP Presidential Candidate at personal choice ni P-Noy na si Sec. Mar Roxas ay puro pa rin pagdadahilan ang pustura kapag ang kapalaran ng FOI bill sa ilalim ni P-Noy ang pinag-uusapan. Malinaw na hindi ito magiging priority ni Sec. Roxas sakaling ito ang mabasbasan ng lipunan.

Sa ngayon ang tanging kandidato na malinaw ang paninindigan sa freedom of information para sa bayan ay si Sen. Grace Poe na siyang champion ng FOI bill sa Senado.

ACIRC

ANG

FREEDOM OF INFORMATION

FREEDOM OF INFORMATION BILL

GRACE POE

HINDI

ITO

MAR ROXAS

NOYNOY AQUINO

P-NOY

PANGULONG AQUINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with