^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Sa mga binaha: Ingat sa leptospirosis

Pilipino Star Ngayon

BAHA pa rin sa maraming bayan at siyudad  sa Central at Northern Luzon dulot ng Bagyong Lando. Aabutin pa raw ng ilang linggo bago tuluyang mawala ang tubig. Pati mga sementeryo ay lubog sa baha kaya problema ng mga residente kung paano madadalaw ang kanilang namayapang kaanak sa Undas.

Pinaalalahanan naman ang mga nabiktima ng baha na mag-ingat sa leptospirosis. Ang leptos­pirosis ay isang bacterial infection kung saan ang ihi ng hayop particular na ang daga ay humahalo sa baha. Ang mikrobyong leptospira ang nagdadala ng infection. Lubhang delikado kung ang taong lumusong sa baha ay may galis sa binti o may sugat sa talampakan.

Paalala ng Department of Health (DOH) sa typhoon victims na huwag basta-basta lulusong sa baha na walang sapin sa paa lalo na kung mayroong sugat. Kapag may sugat sa talampakan o binti, dito papasok ang mikrobyo at makalipas ang ilang araw, magkakaroon ng lagnat. Kasunod ng lagnat ay ang pamumula ng mata, mahihirapang umihi at maninilaw ang balat.

Hindi dapat ipagwalambahala ang mga sintomas ng leptospirosis. Magpatingin agad sa doctor para mabigyan ng lunas. Kapag hindi nagamot, mamamatay ang pasyente.

Paniwala ng ilan, sa Metro Manila lamang daw kung saan maraming daga lumalaganap ang leptos­pirosis. Mali ang paniwalang ito sapagkat kahit sa probinsiya man o mga liblib na lugar ay mayroon ding mga daga. Karaniwang ang mga daga na sumisira sa mga palayan ang naghahatid ng leptos­pirosis.

Payo pa ng DOH, magsuot ng bota ang sinumang lulusong sa baha lalo na ang mga may sugat o galos. Huwag ding hayaan ang mga bata na maligo sa baha sapagkat sila ang karaniwang tinatamaan ng leptospirosis. Karaniwan nang makikita ang mga bata na masayang-masaya habang lumalangoy sa baha. Ipinapayo rin ang regular na paglilinis sa kapaligiran para walang matirahan ang mga daga. Mag-ingat sa leptospirosis.

AABUTIN

ACIRC

ANG

BAGYONG LANDO

BAHA

DEPARTMENT OF HEALTH

HUWAG

KAPAG

METRO MANILA

MGA

NORTHERN LUZON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with