Imported flower para sa Undas ipupuslit sa NAIA
MALAPIT ng tumaas ang presyo ng bulaklak ngayon papalapit na ang hudas este mali undas pala lalo’t iyong mga imported flowers from Bangkok ang other countries na idadaan sa mga bodega sa NAIA at maging sa arrival area.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sasamantalahin ng mga importer ng mga bulaklak ang nalalapit na araw ng mga patay kaya naman todo kausap na sila sa mga bugok sa Bureau of Customs sa airport para huwag silang pagbayarin ng tama sa pamamagitan ng buwis o kaya naman ipupuslit na lamang ito papalabas ng airport para ang perang dapat ibayad ay sa bulsa ng mga bugok sa BOC mapunta.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat bantay sarado ang Bureau of Plants Quarantine sa pagdating ng mga bulaklak sa Philippines my Philippines para alamin nila kung may dokumento ang mga bulaklak na ilalabas sa airport.
Ika nga, huwag silang lilingat!
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa mga bodega at arrival area dumarating ang mga imported na bulaklak dalawang araw bago mag-undas kaya dapat tutukan na ito.
Ika nga, parang palengke ang paliparan pagdating ng mga bulaklak sa NAIA dahil dito pa lamang ay nagbebenta na ang mga importer nito.
Ibinida ni Agriculture Secretary Procy Alcala dahil sa bagyong Lando tiyak ang mga lokal na bulaklak mula sa Benguet ay tataas ang presyo pero ang dapat bantayan ng Bureau of Customs ang mga imported flower dahil sa malaking buwis din ang dapat bayaran ng mga importers nito.
Sabi nga, ready to ‘swing’ sa NAIA ang mga imported flowers.
Abangan.
Concert for a cause
ISANG fundraising concert ang isasagawa ng AGMA-MCI Alumni Association, Inc., ng Naujan, Oriental Mindoro, sa Music Museum, Greenhills, San Juan City, sa November 20, 2015, Friday, 8:00 PM, sa pangunguna ng kanilang Presidente na si Atty. Biyong Garing.
Ang concert dubbed as SKETCHES OF JAMES, featuring the songs of James Taylor, will be performed by Atty. Bong Baybay, Mon Espia, Jimmy Bondoc, Paolo Santos and Noel Cabangon with Electric Tuesday Band.
Ang proceeds nito ay gagamitin karagdagan sa ipapatayong Covered Court para magamit ng mga present and future students ng Agustin Gutierrez Memorial Academy (AGMA) na dating Mindoro Central Institute (MCI). Umaasa si Kuyang Biyong sa pagtangkilik sa concert na ito mula sa mga alumni AGMA-MCI, sa mga kababayang taga Mindoro, sa mga brethren sa Freemasonry, mga kaibigan at mga kamag-anak.
‘Huwag kalimutan panoorin ito dahil malaking tulong ito para sa kabataan na nag-aaral sa Agustin Gutierrez Memorial Academy.
Abangan.
- Latest