^

PSN Opinyon

Kalbo para sa pagbabago

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ITO raw ang sigaw ni Sarah Duterte, anak ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte nang magpapanot ng ulo kahapon para daw udyukan ang tatay niya na tumakbo sa pagka-presidente ng bansa.

Teka, hindi ko maintindihan ito. Isa raw sa mahigpit na tumututol si Sarah kung kaya nagpasya si Mayor na huwag tumakbo sa kabila ng nag-uuminit na panawagan sa kanya nang marami na sumabak sa panguluhan.

Kaya ang tanong ng barbero kong si Mang Gustin (Hindi­ siya ang kumalbo kay Sarah) “nagbago ba ng isip si (dating Mayora ng Davao City) Sarah?”

Ewan kung ano’ng “kadramahan” ito ngunit kung dahil diya’y magbabago rin ang isip ni Mayor Digong at magpasyang kumandidato sa panguluhan, tingin ko ay madudurog ang kanyang kredibilidad.

Kasi’y paulit-ulit na ang hantarang pagtanggi ni Duterte na tumakbo bilang Pangulo sa kabila ng mga nagkalat­ na posters na nagtatambal sa kanya sa isang kumakandidatong bise presidente. Isa pa, laging naririnig sa radyo ang kanyang komersyal na naglalarawan sa kanya bilang mabangis na kalaban ng krimen.

Ngunit lumilitaw ngayon na tila naki-join na rin si Sarah sa bandwagon ng mga nag-uudyok kay Mayor Duterte na tumakbo sa pagkapangulo. Ang larawan niya habang kinakalbo ng barbero ay naging viral sa ins­tagram. Sa caption ng kanyang larawan ay tila ipinahihiwatig ni Sarah sa kanyang ama na kailangan siyang tumakbo for president para sa pagbabago. Ito ay kahit pa kapos sila sa pondo at makinarya sa politika sa paglulunsad ng pambansang presidential campaign.

In the caption of the photo, Sara seems to ask her father to run for president even if their camp will face lack of campaign funds or the political machinery to wage a presidential campaign.

Sa kanyang pinakahuling pahayag para tutulan ang pagtako sa panguluhan, sinabi pa ni Duterte ang ganito “This is a beautiful day to end a wild dream.” At binasa pa ni Dutertye ang sulat mismo ng kanyang nagpakalbong anak na nagsasabing huwag siyang kumandidato sa pagka-pangulo.

Ang sabi sa sulat ni Sarah, “Do not run for president. You don’t owe anything to anybody, and you’ve done more than enough for your country’. Ano ba iyan, hele-hele bago kiyere? Siguro naman may sariling disposisyon ang hinahangaan kong Mayor.

ACIRC

ANG

ANO

DAVAO CITY

DUTERTE

DUTERTYE

EWAN

ISA

MANG GUSTIN

MAYOR DIGONG

MAYOR DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with