50s, 60s, 70s

HINAKOT ng Liberal Party ang kanilang may 2,000 kapartido sa buong Mindanao sa isang ‘Gathering of Friends’ noong Miyerkules sa SMX Convention Center sa SM Lanang Premier dito sa Davao City.

Pinangunahan ni President Aquino ang pagtitipon na ang naging agenda ay ang pag-endorso nga kay Liberal Party standard bearer Manuel ‘Mar’ Roxas sa 2016 elections.

Nagmistulang dagat na dilaw ang SMX Convention Center dahil nga sa dilaw na t-shirts na pinasuot sa mga partisipanteng hinakot pa galing sa kadulu-duluhan ng Mindanao.

Ang mga  partisipante ay binigyan ng yellow t-shirts na ipinalit nila sa kanilang mga sinuot na blouses at maging t-shirts na suot-suot pa nila papuntang SM Lanang Premier.

Ngunit sana naman alam din ng mga organizers ng kanilang Gathering of Friends na LP event paano mamigay ng yellow shirts.

Hindi porke yellow eh okay nang ipamigay sa kanino man.

May isang yellow shirt doon na ang  marka sa likuran ay ‘Anak ko ni Mar’.

Ok sana ‘yung ‘Anak ko ni Mar’ sa isang youth camp o youth congress nila ipamimigay at siguradong mga kabataan ang bibigyan.

Kaso doon sa SMX ang nakikitang sumusuot ng ‘Anak ko ni Mar’ ay may mga  edad na gaya ng mga nasa 60s, 70s at 50s.

Paano sila naging mga anak ni Mar?

Show comments