^

PSN Opinyon

Disiplina’ng may respeto

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KAHAPON, binaybay ni PNP Chief Ricardo Marquez ang kahabaan ng EDSA para magmonitor sa pagmamando ng Highway Patrol Group (HPG) sa daloy ng trapiko. Siya mismo ay naipit sa trapiko. Ibig sabihin, mayroon pang dapat plantsahin sa bagong traffic scheme.

Kung gagraduhan ko ang hakbang na ito na ideya mismo ni Presidente Noynoy, bibigyan ko ito ng 60 por­syento. Pasado pa rin dahil lumuwag naman ng ba­hagya ang daloy ng trapiko sa EDSA.

Umigi ang daloy ng trapiko mula Monumento, Balin­tawak hanggang sa paanan ng flyover Quezon Blvd. Kasunod nito, heavy traffic na naman! Talaga kasing napa­karami na ng mga sasakyan. Kaya halos “suntok sa buwan” na pabilisin ang daloy ng trapiko hindi lang sa EDSA kundi sa buong kamaynilaan.  Kailangan talagang­ magtayo ng imprastruktura tulad ng mga bagong lansa­ngan, tulay  at episyenteng mass transport. Imbes na gumamit ng pribadong behikulo ang  mga tao ay sasakay na lang sa mga public transport tulad ng MRT o LRT.

Epektibo rin ang pagkakatanggal sa mga vendors at iba pang obstruction sa Balintawak na halos umuukupa na sa kulang-kulang sa kalahati ng Southbound lane ng lansangan. Sana huwag ningas-kugon ito.

Saka iba ang dating ng mga unipormado at sanda­tahang traffic law enforcers. Hindi katulad ng mga MMDA agents na hindi iginagalang ng mga motorista at kadalasan ay nakakatikim pa ng pagmumura, dirty finger­ at pananakit.

Sabi nga ng PNP Chief sa mga HPG agents, ipatupad ang disiplina nang walang kinatatakutan at walang pinapaboran. Ibig sabihin, huwag kayong mangongotong at kung hindi’y….

Tama ang yumaong diktador na si Marcos. Disiplina ang kailangan para umunlad ang bayan. Pero ang nakita nating­ disiplina sa pagmamando ng HPG ay dala ng takot at hindi ng respeto. Palibhasa, pangit ang impresyon sa mga unipormadong tauhan ng PNP. Naging singkahulugan ng “kotong.”

Puwede pa namang magbagoang impresyong ito, at iyan ang inaasahan ng lahat sa HPG.  Kung ipakikita nila na wala silang sasantuhin sa implementasyon ng batas, unti-unti man ay maibabalik ang respeto ng taumbayan dito. Yes, ang kailangan ay disiplinang bunsod ng respeto at hindi ng takot.

ACIRC

ANG

BALIN

BALINTAWAK

CHIEF RICARDO MARQUEZ

HIGHWAY PATROL GROUP

IBIG

MGA

PRESIDENTE NOYNOY

QUEZON BLVD

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with