EWAN ko kung nagpapasikat si C/Insp. John Guiagui, bagong commander ng PCP-Plaza Miranda, Quiapo. Sa loob lamang ng dalawang linggong pagpapatrulya sa bisinidad ng Quiapo, nakalambat agad siya ng dalawang holdaper at limang mandurukot. Indikasyon ito na may bayag si Guiagui na harapin ang mga kriminal na naglulungga sa Quiapo. Hindi lamang iyan, pati ang nagpapakalat ng abortion pills na Cytotec na si Marissa Angelo y Brillantes ay nabitag din ni Guiagui sa isang buy-bust operation sa Paterno corner Quezon Blvd. Nakuha kay Marissa ang 100 pirasong tableta ng Cytotec na nagkakahalaga ng P15,000. Ang masakit, nabasag ang iPhone ni Guiagui nang magpumiglas at magtatakbo si Marissa. Natunugan nito na pulis pala ang katransaksyon, hehehe! Ang pagpupursige ni Guiagui na ma-neutralized ang nagpapakalat ng abortion pills ay mag-aangat sa dignidad sa MPD. Apektado rito ang mga hao shiao media na sina Tabatsoy at Sunog Baga dahil hindi nila maaarbor kay Guiagui ang kanilang gatasan. Mga lehitimong vendor ng Evangelista ang nagnguso kay Marissa at mga kriminal.
* * *
May sulat na ipinukol sa akin ang isang concerned citizen. Sa tingin ko, ito ang naggiya kay Supt. Robber Domingo upang mahuli ang naghagis ng granada sa harap ng kanyang presinto. Narito ang sulat: “pkhuli naman po c rico sagadal ng 2311 pasig line street sta ana manila. eto ho ang nagtutulak ng droga dto sa lugar namin, ang bhay ho neto ay sa may dead end at may maliit na gate na bkal.alam ho ito ng mga pulis na humuli sa asawa nito.dun dn nahuli kc c joysir me isa pa pong granada,si rico sagadal,blak nyang ibato po ngaun sa station 6 ng mpd sta ana station..kung un nakaraan po nd pumutok.ngaun sureballpuputok.papuntahannyonapo ngaun.nandun po sa lagayan ng mga damit nkalagay un Granada.may gate pong bkal n ang kharap ay hagdan sa eskinitang dead end.tnx po.@bka mamaya po .me madamay n sibilyan.kya po pki aksyunan agad.kesa un kapulisan ay malagasan.nagawa n po nla dati kya nla gawin uli.d nga lang pmutok dti sir un unang eskinita pagpasok me dalawang eskinita pumasok kau dun sa kanang eskinita ,tapos un pangalawang hagdanan,me katapat un na gate na bakal na maliit.nandun nakatira c rico sagadal.pki abangan s lbas ng pasig line c rico sagadal.mukhang aalis magdedeliver.pasukin nyu na kaya sa bahay.pra makuha nyo dn un tmbangan at ung granada”. Mukhang nakuha na ng nina Maj. Guiagui at Supt. Domingo ang kiliti ng mga residente kung kayat natutumbok na nila ang mga pusakal. Indikasyon ito na madunong silang makipag-usap sa Masa. Abangan!