^

PSN Opinyon

From ‘hilaw’ to ‘dilaw’

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

IGINIIT ng administrasyon na kahit abot-langit ang rating ni Sen. Grace Poe, siya ay lubhang hilaw pa para kuning presidential standard bearer.

Kung baga sa mangga, masyado pang berde. Kaila­ngan munang maging “dilaw”.

Ito ang sinabi ni Presidential Communications Office Sec. Sonny Coloma kaugnay ng patuloy na panunuyo ni Liberal Party presidential standard bearer na si Mar Roxas.

Para sa akin, hindi na dapat pang magsalita ang admi­nistrasyon nang laban kay Sen. Poe kung talagang ayaw namang tumakbo nito bilang bise ni Roxas. Hindi magandang tingnan. Para bang dahil ayaw ng Senadora na ma­ging bise lang ay ilalabas na ang kanyang mga kapintasan.

Tama ang sinabi ni Poe. Marami namang mapagpi­pilian. Naririyan si Rep. Leni Robredo na isa ring may mabuting reputasyon at kakayahan sa pamumuno. Naririyan din naman si Sen. Alan Peter Cayetano na tila hinihintay na lang na kausapin siya ng LP.

Nakakaasiwa lang ang mga umiinog na propaganda machine na pulos paninira kay Grace. Kesyo ambisyosa at matayog ang pangarap. Kesyo akala mo kung sino kung maka­asta. Pinabubulaanan naman ng administrasyon na ito ang may pakana ng mga negatibong impormas­yong ito.

Ngunit sa mata ng taumbayan, hindi maiaalis ang im­pres­yon na tila nagsa-sour-graping ang administrasyon dahil hindi masungkit ang matamis na “oo” ni Poe.

Sa ngayon ay mukhang plantsado na ang plano nina Poe at Sen. Chiz Escudero para mag-tandem sa darating na 2016 elections. Bayaan na lang sila. Ito ay isang mala­yang bansa at kahit na sinong mamamayang Pilipino na marunong bumasa at sumulat, kahit mababa ang pinag-aralan ay may karapatang kumandidato.

Huwag nang pigilan ang hangarin ng iba na makapag­lingkod din lalu pa’t kung sila ay nagpapakita naman ng ka­ka­yahan bilang leader. Para sa akin, mas maganda kung tala­gang dalawa lang ang maglalaban sa pagka-Pangulo. Pero komo tayo ay may sistemang multi-party, walang nagbabawal kanino man na tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan.

ACIRC

ALAN PETER CAYETANO

ANG

CHIZ ESCUDERO

GRACE POE

ITO

KESYO

LENI ROBREDO

LIBERAL PARTY

MAR ROXAS

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with