^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Hustisya sa SAF 44, kailan matitikman?

Pilipino Star Ngayon

MAGPIPITONG buwan na mula nang maganap ang karumal-dumal na pagpatay sa 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) sa Mamasapano, Maguindanao. Enero 25 nang maganap ang pagpatay sa grupong tumugis at nakapatay sa Malaysian terrorist na si Marwan. Subalit hanggang ngayon wala pa ring nakakamit na hustisya ang mga naulila ng 44 na commandos. Sabi naman ni DOJ sec. Leila de Lima, kakasuhan na sa susunod na buwan ang killers ng SAF 44.

Bakit ngayon lang? Napakabagal ng hustisya sa mga bayaning nabuwal na ginampanan lamang ang tungkulin. Brutal na pinatay ang 44 nang magkasanib na Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF). Kahit nakabulagta na, walang awang pinagbabaril ang SAF at pinagnakawan pa. Isa lamang ang nakaligtas sa masaker at ito ang nagdetalye sa mga nangyari.

Ang masakit pa para sa mga naulila, hindi na nga nila nakakamit ang hustisya, hindi pa nabibig­yan ng Presidente nang tamang pagkilala ang kabayanihan ng mga napatay. Noon pa, walang pag-amin ang Presidente sa totoong nangyari kung bakit napatay ang SAF 44. Sila lamang ni dating PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima ang magkausap kaya naisagawa ang operasyon. Masakit para sa mga naulila na tila ayaw nang alalahanin ng Presidente ang nangyari.

Sa simula pa lang, hindi na sinipot ng Presidente ang pagdating ng mga bangkay sa Villamor Airbase. Umani ng batikos ang Presidente na naging dahilan ng pagbaba ng kanyang rating. Nang mag-SONA ang Presidente noong Hulyo 27, hindi niya nabanggit ang SAF 44. Kasunod ay ang pagbalewala umano ng Presidente sa dalawang SAF officers na sina PO2 Romeo Cempron at Supt. Raymund Train. Namatay si Cempron at nakaligtas naman si Train. Umano’y napabalitang bibigyan ng Valor award ang dalawang officers. Inimbitahan na raw ang misis ni Cempron para tumanggap ng award subalit hindi iyon nagkaroon ng katuparan.

Sana naman hindi na dagdagan pa ang paghihirap ng kalooban ng mga naulila. Masyadong masakit ang nangyari sa kanila. Bigyan naman nang pagkilala ang nagawa ng SAF 44 at ipalasap ang hinihinging katarungan.

ALAN PURISIMA

ANG

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

CEMPRON

MGA

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PRESIDENTE

RAYMUND TRAIN

ROMEO CEMPRON

SAF

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with