^

PSN Opinyon

Si Mayor Cayetano at ang pangarap niyang kalidad sa edukasyon

ORAMISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

ITAAS ang antas ng mga estudiante bigyan ng magandang trabaho oras na natapos sila ng pagsasanay sa programang modernisasyon ng edukasyon sa Taguig dahil may mga IT rooms “cyberlabs” sa 7 public schools sa different places sa Lungsod.

Sabi nga, matching order ni Taguig Mayor Lani Cayetano!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang pangarap ay naging katotohanan dahil makukumpleto na ang proyektong cyberlab sa lahat ng 34 pampublikong eskwelahan sa Taguig.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, masaya si Mayora Lani, dahil ang kanyang pangarap na maging dalubhasa at magka-trabaho ang kanyang mga constituents ay natupad na rin dahil noon pa palang 2012 niya ito inumpisahan nang tahimik.

Ika nga, psssst...secret muna!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ibinida ni Mayor Lani na hindi biro ngayon ang maghanap ng trabaho lalo’t wala kang alam at hindi mababayaran ng salapi ang halaga ng kaalaman sa IT sa ngayon.

“Malaking tulong para sa mga nag-aral at nagsanay sa IT dahil sa pangangailangan lang ng mga IT experts sa Bonifacio Global City, at sa magbubukas na development sa FTI, tiyak na hotraba na ito sa mga nagpaka-dalubhasa sa cyberlabs sa mga eskuelahan na pinasukan nila at malaking tulong ito sa kanilang pamilya dahil hindi biro ang sasahurin ng marurunong.’ birada ni Mayor Lani.

Yesterday, binuksan ang pinto ng mga cyberlabs sa eskuelahan ng Kapitan Eddie Reyes Elementary School- Palar Annex, Dr. Artemio Natividad Elementary School, Eusebio C. Santos Elementary School, C. P. Tinga Elementary School, Maharlika Elementary School, Daanghari Elementary School, at Bagong Tanyag Elementary School.

Ikinuento ni Mayora Lani, na kasama na sa curriculum ng Siyudad ang paggamit ng cyberlabs para sa mga IT-related subjects.

‘Kumpleto ang bawat cyberlab ng mabibilis na computers, kasama na ang monitor, CPU, keyboard, mouse at iba pang parapernalya may kasama rin itong projector at malamig ang kuartong pagsasanayan dahil airconditioned ito.’ sabi ni Mayor Cayetano.

Ibinida ni Mayora Cayetano, ang ilan sa mga IT programs na ibinibigay ng Taguig ay web design, personal computer operations, hardware troubleshooting, computer programming, digital arts, animation, photoshop, graphics design, web programming at digital movie making kasama ng lokal na pamahalaan sa proyekyong ito ang Computer Assisted Learning.

‘Mas mainam ngayon sa Taguig masarap mag-aral dahil hi-tech ang public school may cyberlab na at wala na rin mga adik/pusher na nagpapakalat ng droga sa mga lugar dito dahil kinalaboso na sila ni Mayora Lani sa tulong ng Taguig PNP.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Abangan.

DZR airport busisiin

ITO ang magandang kalkalin, busisiin at himayin sa Kongreso dahil malaki ang pondong inilaan dito ang gobierno pero napakabilis naman ang naging pagkasira ng runway ng Daniel Z. Romualdez Airport, dyan sa Tacloban City.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagka-hetot,hetot at kamote ang diumano ang aspalto sa runway ng ikinukuentong paliparan.

Bakit?

Sagot - dapat itong busisiin at singahan este mali imbestigahan pala!

Tanong - ano kaya ang mainam kung totoong pumalpak ang runway sa DZR airpot.

Sagot - panagutin ang mga kumita este mali gumawa pala ng runway dahil hindi biro ang panganib na idinulot nito kung totoo man?

‘Nagka-windang,windang ang Daniel Z. Romualdez airport ng hatawin ito ni super typhoon Yolanda noong 2013!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, last week ay isinara ang airport dahil sa problemang ibinibida natin kaya naman may 6 domestic flights noon ang nakansela.

Abangan.

ACIRC

ANG

AYON

DAHIL

DANIEL Z

MAYOR LANI

MAYORA LANI

MGA

SABI

SCHOOL

TAGUIG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with