“Da best ba ang Abest(?)” (Pangalawang Bahagi)
KAPAG NAWALAN KA NG INTEGRIDAD, sino bang magtitiwala sa iyo?
Matapos mailathala insidenteng nangyari sa dalawa nating kababayan mula sa Bacolod, nag-react ang Department of Trade and Industry.
Isang Director mula ssa nasabing opisina ng gobierno ang tumawag sa aming hotline 710-3618 at nagsabing handa silang tulungan ang mga ito.
Muli naming isinusulat ang tungkol sa naging problema ng Placewell International Services Corp. sa mga dokumento ng kanilang mga aplikanteng magtatrabaho sa ibang bansa.
Ang mismong General Manager ng Placewell International na si Dyan Movilla ang kumatawan upang ipaglaban ang karapatan ng kanilang mga aplikante. Siya ang nakipag-ugnayan sa kinauukulan upang makamit lamang nina Darlene Razo at Erna Lobaton ang nararapat para sa dalawa.
Kung hindi sa mga taong katulad ni Dyan, walang kakayanan ang ang pobreng probinsyana na bumalikwas at lumaban dahil iningungudngod na ang kanilang karapatan sa putik.
Ang masama nito, tila nang iinis ang ABEST ng dalawang daang piso, bawat isa sa kanila bilang pakikipag-ayos sa kanilang kapalpakan.
Sa isang balik tanaw, sa Bacolod Branch ng Placewell nag-apply ang dalawa kaya ipinadala ang mga orihinal na dokumento ng mga ito sa ABest Express.
Hindi nila ito natanggap dahil nawala ang mga ito ng ABest.
Hindi man lang nakipag-ugnayan o gumawa ng hakbang ang ABest para makabawi.
Kabilang sa mga nawala ay ang kanilang PDOS Certificate, CPDEP Certificate at orihinal na NBI Clearance.
Ang isa sa kanila ay umurong na ang empoyer dahil hindi na makapaghintay.
Upang ipagtanggol nina Dyan ang karapatan ng kanilang aplikante makipag-ugnayan siya sa ABest Bacolod at sa opisina nila sa Ortigas ngunit hindi pinansin ang kanilang karaingan.
Nagpasya na ang Placewell International na humingi ng tulong sa amin sapagkat walang sagot silang natatanggap mula sa ABest.
Inilapit namin sila sa Department of Justice Action Center (DOJAC) kay Director Perla Duque.
Ipinatawag ni Dir. Duque ang mga tauhan ng ABest para sa isang ‘mediation’.
Ikatatlo ng Hulyo 2015 nang magharap sina Dyan at ang Regional Manager NCR ABest Jonathan Sta. Ines kasama ang HR Manager na si Ms. Jeanette Alamag.
May nangyari raw ‘Robbery Snatching’ noong ika-17 ng Pebrero 2015. Nanakawan daw ang mensahero nilang nagdala ng mga dokumento na si Redante Navarro sa may Malate, Manila.
Hindi naman nila ito umano ipinarating sa dalawang babae.
Dagdag pa ng Placewell International nagpadala sila ng ‘demand letter’ sa Manager ng Bacolod Branch noong Marso 11, 2015.
Ikasampu ng Hulyo 2015 ang sumunod na paghaharap. Ang Legal Officer ng Placewell na si Phoebe Ledesma ang dumalo. Makikipag-ayos sila sa pagbibigay ng tulong sa mga tao na maibalik ang mga dokumento sa parehong halaga.
Hindi pumayag si Ms. Ledesma doon dahil iginigiit niyang hindi nakaalis sa tamang oras ang kanilang mga aplikante. Dagdag pa ni Ms. Ledesma kailangan din nilang pangalagaan ang reputasyon ng Placewell sa kanilang ‘foreign principals’. Pinagmulta pa sila ng Php120,000 dahil sa hindi pagkakatupad sa pagpapaalis sa bawat trabahador.
Muling humiling ang ABest ng ibang settlement na ipaparating nila sa kanilang Vice President ang usaping ito.
Ikinagulat nila ng mag-alok ang mga taga ABEST ng DALAWANG DAANG PISO sa mga aplikante. Ito raw ay para sa ipinamasahe ng mga ito. Hindi sila nagkasundo kaya’t terminated ang mediation.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, kung ikaw ay isang kompanya at ang inaalok mo ay serbisyo, dapat mong pag-butihan at pag-ingatan ang inyong imahe dahil dito nakasalalay ang tagumpay mo.
Bakit mong tatawagin ang inyong korporasyon ABEST ganung bulok ang serbisyong ibinigay ninyo.
Ang dahilan ninyong nagkaroon ng ‘Robbery Snatching’ ng inyong mensahero ay labas na sila dun. Bakit hindi ninyo ipinaalam o nakipag-ugnayan sa kanila kung hindi pa kayo ipinatawag sa Department of Justice (DOJAC)?
Dalawang daang piso lamang daw ang ibabalik ng ABest sa mga aplikante. Ito ay para sa ipinamasahe ng mga ito.
Paano naman ang oportunidad na bigla na lang nawala sa kanila at ang mga buwang hindi sila kumita dahil sa pagiging pabaya ng inyong kompanya?
Nakipag-ugnayan kami kay Secretary Gregory Domingo ng Department of Trade and Industry (DTI). Maaaring magreklamo sina Dyan babagsak sila sa ‘Fair Trade Enforcement Bureau’ tungkol sa ‘shipments at courier’.
Pagpapaliwanagin sila (show cause order) kung bakit hindi sila patawan ng ‘administrative sanctions’.
Kapag nakitang may paglabag silang nagawa, maaaring masuspinde ang kanilang lisensya at hindi makapag-operate hangga’t hindi nila inaayos ang gusot na ito.
Maaari silang patawan ng multa (fine) upang maibsan ang dinanas ng mga itong perwisyo. at ang nawalang pagkakataon na sila’y kumita ng pera para sa kanilang pamilya habang nakatengga sila rito dahil sa pagkawala ng importanteng dokumento at yung isa naman ay pagkapaso ng kanyang ‘visa’.
Maaari rin naman silang maghain ng kaso sa korte at kung wala silang pambayad ng ‘Filing Fee’ kumuha lamang sila ng setipikasyon mula sa kanilang barangay at sa Department of Social Welfare and Development upang sila ay maklasipika bilang ‘pauper litigant’.
Ang kasong maaari nilang isampa ay ‘Breach of Contract’ dahil sa nawalang oportunidad at kung magkano ang kahilingan ng dalawang trabahador.
Marami dyang nag-aalok ng tulad ng serbisyong meron kayo ngunit ang ABest ang kanilang pinagkatiwalaan. Hindi naman pala dapat bagay na ABEST ang pangalan ninyo.
Inuulit ko, para sa ating mga kababayan, iwas pusoy na tao sa mga iresponsableng kumpanya. Marami naman dyan na ibang ‘shipping and courier service’ na ang tunay na pinag-iingatan ang kanilang trabaho at sinisiguro na makararating ang inyong mga padala sa mga taong ipinaabot ninyo.
(Kinalap ni Chen Sarigumba)
PARA SA ANUMANG REAKSIYON o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618. Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.
Hotlines: 09198972854
Tel. Nos.: 7104038
- Latest