^

PSN Opinyon

Presidential debate

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

HANDA na raw ang Commission on Elections upang ilun­sad ang debate ng mga kandidato sa pagka-presidente ng Pilipinas. Aprub sa akin iyan!

Pero tiyak na mamimilipit diyan ang sino mang kandidatong may pinakamaraming isyu ng katiwalian gaya ni VP Jojo Binay.

Totoo man o hindi ang mga alegasyon laban sa kanya, tiyak sasakyan ito ng mga katunggali ni Binay sa debate lalu pa’t  hangga ngayon ay hindi pa siya nakapagpapaliwanag nang malinaw upang linisin ang kanyang pangalan sa mga alegasyon ng korapsyon.

Halimbawa, paano makapagpapahayag ang isang kandidato ng kanyang plataporma sa tuwid na pamamahala kung ang impresyon ng taumbayan sa kanya ay isang tiwaling opisyal? Magiging katawatawa siya totoo man o demolisyon ang mga paratang sa kanya. Wika nga, ang taong nangangaral nang kalinisan ay kailangang may tinutuntungang moral high ground. Walang bahid dungis at malinis ang pagkatao.

Sa Amerika, pangkaraniwan ang mga debate ng mga kandidato sa pagka-pangulo kapag nalalapit ang eleksyon. Dito sa atin ay ginagawa na rin iyan at nakatutulong ito sa mga botante upang makapili ng tamang kandidato. May pagkakataon tayong “kaliskisan” ang mga naghahangad ng ating bendisyon para pamunuan ang bansa.

Sa ganyang mga debate, mas madaling mahuli ang mga nagsisinungaling sa mga nagsasabi ng totoo. Diyan din natin nakikita ang mga tunay na matalino dun sa mga nagkukunwaring matalino lang.

Sabi nga ni Presidential Spokesman Herminio Coloma, masusuri ng mga botante ang mga isyung dapat nilang pagpasyahan. Sobra nang matagal ang paghihintay natin para sa isang matinong leader.

Mula nang mabuwag ang 20-taong rehimen ni Marcos, kawing-kawing na ang mga pumalit na leader pero tila sa halip na bumuti ay lalung naglulubha ang kalagayan ng ating bansa.

Excited na rin ako sa planong iyan ng COMELEC para marinig natin ang tinig ng bawat kandidato at mabatid natin ang kani-kanilang mga plataporma sa kapakanan ng mamamayan. Harinawang sa pamamagitan nito ay makilala natin ng totoo ang sino mang karapatdapat na mamuno sa ating bansa.

ACIRC

ANG

APRUB

BINAY

DITO

DIYAN

HALIMBAWA

JOJO BINAY

MGA

PRESIDENTIAL SPOKESMAN HERMINIO COLOMA

SA AMERIKA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with