MAY artikulong ibinato sa akin sa email ang kaibigan kong kolumnista ng Philippine Star na si Federico “Dik” Pascual. Bahagi ito ng artikulong isinulat naman ng isa pang kilalang public relations man na si Charlie Agatep na may pamagat na “should erring Presidents resign?” Ilalahad ko na lang ang sustansya ng nakasulat.
Nagkamali si dating U.S. President George Bush nang giyerahin ang Iraq na naging dahilan ng pagkamatay ng milyong Iraqi at mga sundalong Kano. Responsible siya at may pananagutan pero hindi nagbitiw sa tungkulin. Inamin ni Bush sa isang opisyal na pahayag ang malaki niyang pagkakamali. Aniya, “I believed that Saddam Hussein had weapons of mass destruction. But when we couldn’t find the evidence, we fabricated it. “ It was wrong to misoverexaggerate the nature of the threat. And although men like Dick Cheney, Paul Wolfowitz and Douglas Feith were the most directly involved, ultimately I was the man at the top and I accept full responsibility.
“The entire war was the biggest mistake of my life. I have asked my God for his forgiveness, and now I ask the American people. I hope history records that I was a good person, just trying to do the right thing” Ani Bush.
Pero sa panig ni VP Dick Cheney, binatikos niya si Bush sa ginawa nitong paghingi ng paumanhin sa taumbayan at tinawag pang “childish” o parang bata. Naniniwala si Cheney na tama pa rin ang ginawang pag-atake sa Iraq dahil mas nasa mabu-ting kalagayan daw ang mundo kung wala si Saddam Hussein.
Ngunit para sa akin, kapuri-puri ang ginawang pag-amin sa pagkakamali ni Bush. Mas kapuri-puri na sa kabila ng kanyang pagiging Presidente ng pinakamalakas na bansa sa mundo, nagpakumbaba siya para humingi ng tawad sa taumbayan. Ngunit iba-iba ang tao. Marahil, iba ang prinsipyo ni Presidente Aquino sa paniniwala ni Bush. Kaya tutal, isang taon na lang ang hihintayin at tapos na ang termino niya. Wait na lang tayo para maiwasan ang tensyong politikal na hadlang sa pag-usad ng bansa.