^

PSN Opinyon

‘Yung dalawa

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

DALAWANG araw nang iniimbestigahan sa Senado ang madugong enkuwentro sa Mamasapano. Sa pagtatanong ng mga senador, pati na rin sa mga pahayag, salaysay, pag-amin at pagtanggi ng mga “resource persons”, alam na ang patutunguhan ng imbestigasyon. Malinaw na inaako ni SAF Director Gen. Getulio Napeñas ang lahat ng pagkukulang at pagkakamali, sa kabila ng pagtanggi na kulang ang kanyang preparasyon. Pinalalabas niya na ang mga mahalagang desisyon ay lahat galing sa kanya, at wala nang iba. Malinaw na ulo niya ang gugulong, kung pagugulungin.

Malinaw rin na hindi aamin na may maling ginawa ang nagbitiw na si PNP chief Director Gen. Alan Purisima, kahit ilang beses pa siyang itanong. Payo ang lahat ng kanyang sinabi kay Napeñas, at hindi opisyal na utos, dahil suspendido nga siya. Ang payo ay puwedeng hindi raw sundan. Hindi na baleng sinabi ni Napeñas na si Purisima ang nagbibigay ng lahat ng ulat at impormasyon ukol sa misyon kay President Aquino. Suspendido siya, kaya lahat iyan ay walang saysay. May kinalaman siyang walang kinalaman. Madaling intindihin, hindi ba?

Sa totoo nga, tila walang pinangangambahan si Purisima sa buong isyung ito. Nais kong punahin ang kanyang pananalita. Tinanong siya ng mga senador kung wala siyang tiwala kina DILG Sec. Roxas at PNP OIC Gen. Espina, kaya niya pinayuhan si Napeñas na huwag sabihan “yung dalawa”. Ito ang tawag niya kina Roxas at Espina,”yung dalawa”. Samantalang sinabi rin niya na siya na ang bahala kay Gen. Catapang. Kaya niyang banggitin ang buong ranggo at pangalan ni Catapang, pero kapag ang itinutukoy na ay sina Roxas at Espina, ‘‘’yung dalawa” na lang.

Malinaw na wala siya talagang respeto kina Roxas at Espina, kung ganito lang ang tawag niya sa kanila. Magagawa lamang niya ito dahil may mas nirerespeto siyang mataas na opisyal, dahil mas mataas ang tingin niya sa sarili niya, kaysa sa dalawang nabanggit na opisyal. Ni hindi niya mabanggit ang mga posisyon, na tila wala silang karapatang magamitan ng mga titulong iyon. Tinanong siya kung wala siyang tiwala sa kanila kaya hindi sila sinabihan, hindi raw. Siguro ang dapat tinanong ay kung may respeto siya kay Roxas at Espina. Pero bakit pa at mataas nga ang tingin niya sa sarili niya, hindi ba? Hindi naman mahalaga na malaman “ng dalawa” ang plano, hindi ba?

vuukle comment

ALAN PURISIMA

CATAPANG

DIRECTOR GEN

ESPINA

MALINAW

NIYA

ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with