MAGANDA ang birada ni Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares, na paghatian na lamang ang P240 million reward ng mga pamilya ng 44 PNP elite SAF na namatay para mahuli patay man o buhay si bomb terrorist Marwan kaya naman maganda ang dating nito sa madlang people of the Philippines my Philippines kung maririnig.
Ika nga, politikong - politiko ang dating? Hehehe!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung hahatiin ang P240 million divided by 44 = P5 million each!
Sabi nga, kayamanan na ito?
Tanong - Paano ang informer at handler na ginamit para matunton ang lungga ni Marwan imposibleng pumayag ito na hindi sa kanila mapupunta ang ‘gantimpala’ na inilaan ng US of A laban sa teroristang binabanggit natin sa itaas.
‘Politiko ang dating ni Colmenares parang hindi niya alam na may informer dito at ang reward ay napupunta sa nag-nguso ng subject na pinag-uusapan natin.’ sabi ng kuwagong litong-lito.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung papayag ang informer na ibigay na lamang ang reward niya sa pamilya ng ‘fallen 44’ mas maganda ang magagawa niya dahil makakatulong ito ng malaki sa mga naulila ng mga minasaker.
‘Sino ba ang informer at handler nito na ginamit para mayari si Marwan ?’ tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.
Sagot - hindi pinapangalanan o pinakikilala ang ‘asset’ dahil buhay niya ang nakataya dito pero puedeng siguro si Basit Usman, ang nagturo sa lungga ni Marwan dahil bigla itong nawala sa lugar na pinangyarihan ng bakbakan.
Sabi nga, hindi naman ‘Superman’ si Usman na parang bulang naglaho sa lugar na pinangyarihan ng engkuentro.
Ano sa palagay ninyo?
Abangan.
Thank you Lord - Atty. Garing
PINASASALAMATAN ni Atty. Silverio ‘Biyong’ Garing ang kanyang masisipag na tauhan sa Muntinglupa Registry of Deeds at sa suportang ibinigay ng kanilang LRA Administrator Eulalio C. Diaz 111 at depury administrators Ronald Ortile at Bob Leyretana matapos niyang mapanalunan ang lotto jackpot este mali No. 2 Top performance on workload in large Registry of Deeds Category pala at ang No. 11 sa Top 20 grocery este mali grosser pala sa lahat ng Registry of Deeds sa Philippines my Philippines.
Pinahahabol din ni Garing ang buong pusong pasasalamat niya sa suportang ibinigay ni Muntinlupa City Mayor Jaime Re. Frsnedi, Engr. Allan Cachuela, city administrator, ang Sangguniang Panglungsod at iba pang opisyal sa Muntinlupa City.
Kaya tuloy ang mga brethren from Laong - Laan Lodge 185 ng Free and Accepted Masons of the Philippines my Philippines ay ‘very proud’ sa iyo.
Congratulation my Brother!
Isulong ang kapayapaan sa Mindanao
KUNG ang madlang people ngayon sa Philippines my Philippines ang tatanungin tungkol sa pag-slaughter sa 44 PNP elite Special Action Forces, isinisisi nila lahat ang pagkamatay nila sa MILF.
Bakit?
Sagot - walang sensiridad ito sa pagsulong na kapayapaan sa Mindanao?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, hindi na dapat humantong sa pagkamatay ng police commandos ang pangyayari kung isinuko, hinuli o kaya hindi na nakisali sa engkuentro ang MILF ng hulihin si Zulkifli Bin Hir, alyas Marwan, ang international bomb expert terrorist.
Sabi ng MILF misencounter?
‘Common!’
‘May nakapatong na P220 million sa ulo ni Marwan from the US of A, anong dahilan bakit hindi mailaglag ng MILF ang terorista na naglulungga sa kanilang teritoryo para sa kanila mapunta ang ‘reward’ money na alok ng America?’ tanong ng kuwagong mukhang salapi.
Ika nga, bakit pa nila ito kinanlong?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi sila kontra na huwag nang ituloy o itigil na ang ‘peace talk’ sa pagitan ng gobierno at MILF dahil sa pag-masaker sa police commandos.
Bakit?
Sagot - maraming tanong at maraming sagot!
Abangan.