INIIMBITAHAN ni incoming Worshipful Master Adonis Baluyot ng Laong-Laan Lodge 185, bilang ‘Golden Boy’ ng Loya dahil 50th anniversary nila ang lahat ng brethren sa iba’t-ibang Masonic Lodge sa Philippines my Philippines sa kanilang installation sa Sabado (Feb. 7), sa Quezon City Sports Center Rizal Hall, E. Rodriguez, Kyusi sa ganap na alas 3pm.
Ang mga officers at appointed members ng LLL 185, ng Masonic year 2014-2015 ay sina WM ‘golden boy’ Baluyot, Bro. Rey Raagas, Senior Warden, Bro. Macky Santos, Junior Warden, Bro. Peter Lim, Treasurer, Bro. Jeffry Dublado, Secretary, PM Rey Dumlao, Auditor, Bro. Luisito Cruz, Chaplain, Bro. Kurt Muller, Marshall, Bro. Wally Sumilang, Senior Deacon, Bro. Onie Ramos, Junior Deacon, Bro. Paul Mabatid Sr., Almoner, Bro. Jojo Zamora, Lecturer, Bro. Ernie Ligon, Orator, Bro. Butch Quejada, Historian, Bro. Nico Moghaddam, Organist, Bro. Rodil Casal 11, Senior Steward, Bro. Benny Sales 111, Junior Steward at outgoing WB Blas Tuliao, Tyler.
Si Very Worshipful Isagani Verzosa Jr., PDDGM MD NCR - B, ang guest speaker, VW Emil Andrion Jr., installing officer at VW Ronald Fabian, master of ceremony.
Ipinagbibigay alam ni WB Baluyot na isang magarbong fellowship ang kanilang matiktiman oras na dumalo sila sa okasyon ng Laong - Laan Lodge 185 dahil bukod sa iba’t - ibang klase ng puta este mali putahe pala ang matitikman ay may dalawang litson baka itong pinahanda, 5 litson baboy, 10 kahon Johnny Black Gold, 3 kahon Johnny Black ‘double black’ at kahon-kahon light and pilsen beer.
Sa mga pupuntang mga bisita huwag na kayong mag-atubilin pang magbitbit ng mga plastic o supot para paglagyan ng mga sobrang pagkain dahil ready na ang mga ito at si Bro. Macky bilang Junior Warden ang lalapitan na lang ninyo.
Abangan.
May anomalya sa LTO ?
MAY ‘PLATE MAKING PLANT’ pala ang LTO bakit sa isang pribadong kumpanya pa ito ibinigay?
Bakit nga ba?
Sagot - dahil kaya may diumano’y kalakaran?
Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, kung gagamitin ng LTO ang planta ng pagawaan ng plaka nila hindi na sana nag-iingay ngayon ang mga militanteng grupo na kontra sa P450 dagdag bayad sa mga bagong plaka ng mga sasakyan at ang gusto pa yatang mangyari ay pati lumang mga plaka ay palitan.
Naku ha!
Ano ba ito?
Ibinida ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, mula ng umupo si LTO Chief Alfonso Tan noong 2012, isinara na nito ang operasyon ng ‘plate making plant’ na nasa main office nila at kumuha na lamang ng private company na kinontrata sa paggawa ng car plates.
Naku ha!
Bakit kaya?
Parang may amoy malansang isda dito? Hehehe!
Sabi ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, kaya tuloy nagtaasan ang kilay ng ilang empleado sa LTO dahil nagtataka sila kung bakit ito sinara?
Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, mahigit sa10 tauhan ng LTO nakatalaga sa plate making plant ang pumapasok pero maghapong nakatunganga at walang ginagawa?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Sa nangyayari ngayon sa LTO walang sawang binabatikos ng PISTON ang sanglaan este mali ahensiya pala tungkol sa issuance ng bagong plaka ng sasakyan.
Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, binabatikos ni Goerge San Mateo, national President ng Piston si Tan dahil kung may sariling planta ng paggawa ng plaka ang LTO, anong dahilan at kumuha pa ng pribadong kumpanya na gagawa nito?
Bakit nga ba?
Binakbakan ni San Mateo, ang pribadong kumpanya na kinontrata ng LTO sa paggawa ng car plates dahil hanggang ngayon karamihan sa mga bagong sasakyan ay wala pang plaka at ngayon gusto pa ni Tan na palitan ng mga bagong palaka este plaka rin ang mga lumang sasakyan sa kalye.
Bakit kaya?
Sagot - para bayad uli.
Sabi ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, hindi nakayanan ng kumpanyang kinotrata na mabigyan ang milyong plakang kailangan para sa milyong-milyong ire-rehistrong mga sasakyan sa LTO.
‘Sa totoo lang noong August ay bumili kami ng brandnew car pero up to now February na wala pa rin palaka este mali new car plate ang kotse ko !’ sabi ng kuwagong ginagago.
Ayon sa katas este mali kalatas pala may 6.5 milyon ang private cars nationwide at mahigit 900,000 naman ang passenger vehicles kung bibigyan ito ng mga bagong plaka isipin na lamang kung kailan ito makakakuha samantala bayad na sila kapag nag-rehistro ngayon 2015 ng kanilang sasakyan mapaluma o bago.
Abangan.
QC BPLO, ano ba naman?
IYAKAN blues ang mga negosiante sa Kyusi cityhall dahil nagrereklamo sila tumaas daw ang bayag este mali bayarin pala sa buwis at ang pahirapang diumano’y pagkuha ng Mayor’s Permit ?
Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, imbes na tulungan para gumaan ang pasanin ng mga negosiante Mayor Bistek mukhang lalo pang pinahihirapan sila?
Bakit?
Sagot - dahil nagsasabong ngayon ang opisina ng Business Permit and Licensing Office at Treasurer’s Office ?
‘Sino ang nanalo ?’ tanong ng kuwagong kinukuartahan.
Kapos ang kolum ng Chief Kuwago.’
Abangan.