SI Miriam Coronel Ferrer ang chief government negotiator sa Bangsamoro Basic Law (BBL) at si Teresita “Ding” Deles naman ang Presidential Peace Adviser.
Hindi ko matanto kung saang lupalop hinugot ni P-Noy ang mga ito para magpasimuno ng peace process with the MILF. Malamang galing ang dalawa sa virgin forest dahil ang mga pananaw nila ay parang mga virgin na walang kamuwang-muwang sa real facts of life sa Mindanao.
Halimbawa si Coronel ay taimtim na naniniwala na “there’s no reason for the Bangsamoro to secede once granted autonomy.” Napaka-naive at napaka-virginal na statement ito na nagpapatunay lamang na hindi competent si Coronel sa puwestong hinahawakan niya.
Coronel should not speak for the Bangsamoro dahil hindi na kontrolado ang mga pag-iisip nito. Halimbawa, ano ang makakapigil sa Bangsamoro once it becomes an autonomous substate to declare one day na nagmiyembro na sila sa Federation of Malaysia na kapwa nila mga Muslim?
Mas more advantageous para sa kanila kapag sila ay naging isang state ng Malaysia. Mas mayaman ang Malaysia kaysa sa Pilipinas. Ang mga Bangsomoro people ay magkakaroon ng access sa mas magandang health, educational at job opportunities sa Malaysia. Ang Bangsamoro lawyers ay may malalaking tsansa na magiging judges o di kaya justices ng judiciary ng Malaysia, bagay na ipinagkakait sa kanila rito sa Pilipinas.
Ito namang si Deles, ang isinama niya sa peace negotiation ay ang MILF lamang at initsapuwera ang MNLF. Subukan na maging barangay chairman halimbawa at sa kanyang barangay ay may mga pasaway na magkahiwalay na grupo ng Oxo at Sigue-sigue gang at nagpasya siya magkaroon ng kasunduan para sa kapayapaan ngunit sa Sigue-sigue lamang, sa pamamagitan ng pagbigay sa kanila ng livelihood, financial assistance at iba pa, pero ang Oxo ay initsapwera at di binigyan ng kahit isang kilong dilis man lang.
Siyempre tuloy ang gulo sa barangay. Hindi uubra ang mga virgin sa usaping pangkapayapaan sa Mindanao.