^

PSN Opinyon

Ok na lang ba tayo sa 555?

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

MAY isa akong kaibigan na nagsabi sa akin na dahil gumaganda naman daw ang ekonomiya ng Pilipinas, hayaan na lang natin ang kontraktuwalisasyon. Ang sagot ko sa kanya, paano gaganda ang ekonomiya kung 12 million sa ating mga kababayan ay jobless at 18 million ay underemployed ayon sa Social Weather Station (SWS)?

Kaya gumaganda ang ating ekonomiya ay dahil sa mas lumaki ang mga remittances ng OFWs at nabawasan naman ang massive graft and corruption dahil kay Pres. Benigno S. Aquino III.

Kaya walang kinalaman ang kontraktuwalisasyon sa paglago ng ating ekonomiya. Kung mayroon mang kinalaman, ito ay dahil sa mas dumadaming malls ang pinapatayo ngayon nina Henry Sy, Gokongwei, Ayala, Gaisano, Lucio Lao Co at iba pa dahil ang limpak-limpak na salapi na kinikita nila na dapat ibinabahagi sa mga empleyado nilang 555 bilang 13th month pay, overtime pay, uniform expenses, retirement pay at iba pa ay inaangkin nila. Kaya ang pagitan ng mga mayayaman at mahihirap sa bansang ito ay lalong lumalawak.

“Righteousness exalteth a nation”. Ang contractua­lization na bumibiktima ng milyong manggagawa at kanilang mga pamilya ay hindi tama dahil ito ay labag sa security of tenure clause at ng Labor Code.

Kaya how can God exalt our Nation when countless employers with the tolerance of the government cheat millions of our workers and families.

But God helps only those who help themselves. Kaya panahon na, na ang uring manggagawa ay tumulong sa kanilang sarili sa pamamagitan ng pakikiisa sa Rose movement.

Huwag magpaisa, oras na para magkaisa. Makipag-ugnayan sa text: 09235566056 (Sun), 09198318251 (Smart), 09772010326 (Globe) o mag-email sa: [email protected] at bisitahin ang ating Facebook page www.facebook.com/rosemovementph.

AQUINO

AYALA

BENIGNO S

BUT GOD

HENRY SY

KAYA

LABOR CODE

LUCIO LAO CO

SOCIAL WEATHER STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with